Monday , March 31 2025
Judy Ann Santos Gordon Ramsay

Juday gusto pa muling mag-aral — ibang expertise naman sa pagluluto

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWANG medalyang ginto ang naiuwi ng aktres na si Judy Ann Santos matapos maka-graduate sa Professional Culinary Arts Program sa Center for Asian Culinary Studies.

Ani Juday, lukang-luka siya sa pangyayari.  “Apparently, ‘yung graduation na ‘yun, that’s long overdue na talaga, pero kasi kailangan ko pang mag-repertoire bago ako maka-graduate.

“And then nawalan ako ng oras and then, nagse-Chef’s Night na ako and then, si Chef Gene [Gonzalez] told me na hindi na ako kailangang mag-repertoire dahil nga nagse-Chef’s Night na ako ng ilang buwan na last year sa Angrydobo.

“‘Yung graduation na ‘yun, that was even before the pandemic pa. But I would always sit in, minsan nag-refresher course rin ako during the pandemic.

So hindi naman ako huminto mag-aral talaga. 

“Though sinabi na sa akin ni Chef Gene na tatanggap ako ng medal this year, hindi na lang kami nagkabalikan, pero at least naka-graduate na ako,” mahabang simula sa amin ni Juday nang kumustahin namin ang ukol sa bagong milestone sa kanyang buhay.

“Nakagugulat, pero nakaka-happy naman din na o ‘di ba, ang saya lang ng pagpasok ng taon, naka-graduate na ako,” masayang-masayang pagbabalita nito sa amin.

Taong 2006 unang kumuha ng culinary course sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan ang misis ni Ryan Agoncillo na naka-graduate rin with honors.

Napag-alaman pa naming gusto pa ring mag-aral ni Juday sa ibang field ng pagluluto.

“Actually, gusto ko pa uling mag-aral. Gusto ko pa uling mag-aral ng ibang expertise naman when it comes to cooking, ibang field naman.

“Wala namang katapusan ‘yung proseso ng pag-aaral when it comes to knowledge, ‘di ba? 

“Knowledge is knowledge.

“Magandang opportunity at least for me to travel, kasi habang nagta-travel ka, roon din mas lalong lumalawak ‘yung panlasa mo.

“Mas nagkakaroon ka lalo ng kaalaman sa mga pinupuntahan mong lugar, culture and taste.

“For this year, I really plan to give most of my time to Angrydobo and to my passion, which is cooking.”

Dalawang branch mayroon ang Angrydobo restaurant nina Judy Ann at Ryan, isa sa Westgate sa Alabang  at isa sa Taft Avenue sa harap ng De La Salle University.

At dahil abala siya sa kanyang pagiging chef natanong namin ang ukol naman sa kanyang pag-arte. Anang aktres, hindi naman niya iiwan ang pagiging aktres.

“Kung may magandang proyektong dumating, bakit hindi?

“Pero ngayon parang habang may energy pa akong tumayo buong araw sa kusina, gusto ko na muna siyang i-achieve.

Parang ang sarap lang sa pakiramdam na… nitong Chef’s Nights kasi ang na-realize ko na ang sarap makakilala ng mga bagong tao, mga bagong mukha, nagkakaroon ka ng mga bagong kaibigan out of the industry.”

Ang Chef Night’s ay mga espesyal na gabi sa Angrydobo na iniimbitahan nina Judy Ann at Ryan ang kanilang mga kapamilya, malalapit na kaibigan, at mga customer para sa isang dinner party. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Summer-Saya Together TV5

Summer-Saya Together ng TV5 pasabog may Japan getaway pa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KASABAY ng pag-init ng panahon ang mainit ding mga pasabog ng TV5 sa Summer-Saya …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

Joyce Cubales

Joyce Cubales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Joyce Cubales sa kanyang muling pagsabak sa pag-arte. Ito’y …

Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PAni Rommel Placente IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram …