Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy  Mendiola Ara Tan

Jessy sa pagtakbo ng asawang si Luis — sana mapagbigyan siya, he’s willing to give his heart to everyone

RATED R
ni Rommel Gonzales

TATAKBO si Luis Manzano bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Batangas at unang beses ito kaya unang beses din na nangangampanya si Jessy  Mendiola para sa kanyang mister.

Oh my, mga one million percent supportive ako,” excited na bulalas ni Jessy.

We are very excited and also at the same time, we are very nervous.

“Of course, siyempre bagong mundo ito eh, para sa amin, para sa amin ni Luis and I know how hard it is. I know how challenging it is na…’di ba, siyempre artista siya, celebrity siya.

“But kilala niyo naman si Luis, ‘di ba? He’s very generous and he’s very smart. He’s very… he’s willing to give his heart to everyone.

“So para sa akin, ‘yung feeling ko at talagang alam ko, na kayang-kaya talaga niyang mag-lead and to take care of people. So sana, mabigyan ng pagkakataon na manalo.”

Pero may kaba rin si Jessy, lalo pa nga at ang politika ay maituturing na mas marumi kaysa showbiz.

Actually, ano naman, may two sides ‘yan eh, talagang may marumi, unfortunately mayroon talaga pero mayroon din namang mga lumalaban para maging maayos din. 

“So sana mabigyan talaga ng pagkakataon ‘yung asawa ko, kasi alam ko kung gaano siya talagang sure na sure niya na gusto niya talagang pagsilbihan ‘yung mga tao, to serve, at alam naman natin lahat, ‘di ba?

“Na talagang si Luis, mayroong potential to be, you know, a great public servant and sana ‘yun nga, tulad ng sinasabi ko kanina, sana mabigyan siya ng chance to show and prove that sa ating mga kababayan.”

Five years ng endorser si Jessy ng Manila Diamond Studio at masaya si Jessy sa tiwala sa kanya ng owner nitong si Ara Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …