HARD TALK
ni Pilar Mateo
THE show must go on.
Kasabihan na sa showbiz. Talamak na paalala. Lalo na kung may mga aberyang ‘di inaasahan na nangyayari.
Kamakailan, sumalang sa isang concert si OWWA Administrator Arnell Ignacio bilang pagsalubong sa pagbabalik ng 5th Generation ng grupong New Minstrels.
Muntik palang hindi matuloy ang show. Bakit?
Aba! Nag-walk out umano ang direktor nito dahil sa mga ilang bagay na teknikal na tila hindi nasunod.
Tamang attitide ba ‘yun? Araw na ng show. Nagri-rehearse na ang artists. Biglang lumayas sa rehearsal. Bitbit pa ang mga tauhan niya.
Oo. Direktor. Siyang nakaaalam sa maniobra ng palabas. Pero may mga bagay na pinag-uusapan din sa pananaw hindi lang ng artist kundi ng producers.
Mugto na ang mata ng partner ni Edith Fider na si Liz Alindogan nang lumapit sa amin bago magsimula ang show.
Buti na lang naka-billet sa hotel na ginanap ang show ng isa pang producer na si Marynette Gamboaat ang partner nitong si direk Efren Reyes. Nakalampag sila ni Liz. Nagmakaawa para ituloy ang show dahil nagkagulo na nga sa rehearsals pa lang.
Aminado si direk Efren na pelikula lang ang ginagawa niya. Kaya sumaklolo ang anak ni Marynette at iba pang kasama sa produksiyon niya para maplantsa ang lahat.
Nagkaroon ng malaking led wall. Nailagay ang dapat. Nagbunga ng isang magandang show that night matapos ang Araw ng mga Puso. Naayos ang rehears, nairaos at naitawid ang isang napakagandang palabas.
At dahil siguro sa emosyong dala-dala gustong-gusto ng mga manonood ang number ni Liz with OWWA Admin Arnell na Loving You.
Tama naman ang sinabi ni Arnelli na pwedeng-pwedeng maging komedyante si Liz na nakasama na niya sa isang Vivamax film. Dahil may timing daw ito sa pagpapatawa at bitaw ng punchline.
Kaya malamang manganak ng isang film project ang pagsasama nila sa entablado.
As for the director na umiwan sa kanila sa ere, direktor daw iyon sa Vivamax. So, understandable na rin siguro kung hindi sila nagkita ng eye-to-eye ng producers niya na may gustong gawin sa show pero ayaw naman niya.
Kung minsan, these little kung maituturing a little flaws are what makes the outcome even greater.
Kaya nga, magkaka-repeat na ang show na para rin naman sa benepisyo ng ating mga kababayang OFWs.
Arnelli loved what he did. Na-miss nang todo ang pagkanta! Kaya mauulit pa.
At baka dahil sa nangyari maging kabakas na nina Edith at Liz si Marynette sa mga susunod na proyekro.
Pasasaan ba at malalaman din natin ang hindi na maililihim na dahilan ng direktor na muntik sumira sa Timeless Music and Laughter.