Sunday , March 30 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Balatkayong partylist, ibasura

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KAPANSIN-PANSIN na parami nang parami sa talaan ng Comelec ang tumatakbo sa partylist. Binuo ang partylist upang magkaroon ng representante at boses ang marginalized sector sa Kongreso.

Pero ang tanong, totoo ba na ang pakay ng ibang partylist o kumakandidato sa partylist ay para magkaroon sila ng personal na representasyon sa Kongreso? Marahil ang ilan sa mga partylist ay totoong kinatawan ng marginalized o underrepresented sector habang may (ilan) ang gusto lang maging isang kongresista. At pansinin ang mga nominado nila — iisa ang apelyido. Kaya nga marami ang nagsasabi, ‘sinalakay’ na rin ng political dynasty pati ang partylist system.

Parami na nga ang grupo pero kapansin-pansin na marami rin sa nominees ay hindi naman kabilang sa marginalized sector – mayayamang negosyante, kabilang sa pamilya ng mga politiko,  etc, at ginagamit o sinasamantala lang ang inirerepresentang marginalized sector kuno.

Kahapon, sa “Bakit Kayo Sa Kongreso” media forum sa Quezon City, si retired Philippine National Police (PNP), Lt. Gen. Rhodel Sermonia, isa sa nominees o partylist representative sa ilalim ng United Frontliners Partylist, ang bisita sa kaganapan.

Nabanggit          ni Sermonia na may mga nananamantala sa pagbubuo ng partylist — mga maimpluwensiya o mayayaman ang nominees na kapag makalusot, nakalimutan na ang inirerepresentang grupo at sa halip, ginagamit na ang posisyon para sa proteksiyon ng kanilang negosyo.

Natanong kay Sermonia kung anong gagawin niyang kontra sa mga ganitong uri ng partylist group kung sakaling palaring makapasok ang kanilang partylist.

Pinayohan at pinaalalahanan ni Sermonia ang mga botante na tiyakin at suriing mabuti ang mga partylist.  Alamin kung sino-sino at kilalanin ang mga nasa likod ng partylist.

Bagamat, inilinaw ni Sermonia na maganda ang intensiyon nang buuin ang partylist system pero sa ngayon marami nang mayayaman na sinasamantala ito para sa sariling interes.

“Maraming mapanglinlang na pumapasok sa partylist. Nanamantala at nanlilinlang, lalo na sa ating mga kabataan,” pahayag ni Sermonia.

Ang ibang partylist representatives ay nabibili ng mga maimpluwensiya at mga bilyonaryo sa bansa para maprotektahan ang kanilang negosyo.

“Ours is to represent frontliners, the uniformed personnel (PNP, AFP, BFP, BJMP, Coast Guards) along with civilians like the medical sector (doctors, nurses hospital staff) private and public. Pinagsamang mga frontliners, kaya United Frontliners, who give and sacrifices their lives for others,” ani Sermonia, first nominee ng UFP.

Kapag pinalad ang United Frontliners Partylist, aniya’y  titiyakin  ng grupo ang matatag at pantay-pantay na implementasyon para sa mga benepisyo o ayuda para sa mga frontliner.

Marami-rami na ngang masasabing mapanlinlang na partylist…sa una’y lalo na sa panahon ng kampanya, ipinakikita ang kahalagaan ng kanilang inirerepresenta, guwardiya, janitor, OFW, etc, pero huwag ka, kapag nakapasok na sa Kongreso, hayun lumalabas na ang katotohanan – astang mayabang na Kongresista, pinoprotektahan na ang negosyo, at mahirap nang lapitan bukod sa kinalimutan na ang tunay na layunin.

Sa darating na halalan, suriing mabuti ang sususportahang partylist. Kilalanin mabuti at baka nagbabalatkayo lang ang mga ito.

Ibasura ang mga nagbalatkayong partylist.

About Almar Danguilan

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …