ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Yuki Sonoda. Bukod sa mga nagawa na niyang projects sa ViPE STUDIOS and 3:16 Media Network, tampok si Yuki sa short film na “Mahal Kita” ng Coneco Film.
Inusisa namin si Yuki hinggil sa ilang detalye ng short film na ito.
Kuwento niya sa amin, “Story po siya ng difference of Valentine’s Day between the Philippines and Japan.
“Ito po ay isang Romcom, I played the lead role together with one of Japan’s famous comedy actor na si Shuhei Handa. Sa ‘Pinas po ito nag-shoot and it is a collaboration with Meiji Chocolate Philippines.
“Yes po, tour guide po ang role ko rito and ‘yung story ay base sa Japanese guy which is Shuhei Handa who came to the Philippines for a business trip and fell in-love with a Filipino-Japanese tour guide.”
Sambit ni Yuki, “Locations included ‘yung mga historical landmarks in Manila, such as Intramuros… showcasing the cultural differences in how Valentine’s Day is celebrated in Japan and in the Philippines, highlighting a cross-cultural narrative.
“The episodes are available po sa Coneco Film’s social media accounts (YouTube, TikTok, Instagram, X) and the Meiji Philippines Facebook account,” esplika ng aktres/beauty queen/model na isang half-Japanese at half-Filipino na naging Miss Supranational Japan 2024.
After ng Mahal Kita, may kasunod pa bang short film na kasali siya?
Tugon ni Yuki, “As of now, eto lang po ‘yung short film na kasali ako. Pero mayroon na pong other offers from Japan and I am also thinking of exploring the entertainment industry in Japan soon.”
Bukod kina Yuki at Shuhei, tampok din sa Mahal Kita sina Masahiro Umeda, Mariko Akama, Keisuke Saito, Tomohiro Ikeda, Yuki Yoshioka,
Yu Ogawa, Momoka Kitano, Shigeo Osako, at iba pa.
Napag-alaman din namin kay Yuki, na ang Coneco Film ay mayroon nang higit 1.2 million followers sa kanilang Chinese SNS accounts (with a total of 3 million followers across all platforms as of February 14, 2025).
Ang naging matagumpay na Philippine shoot na ito ay isang new milestone sa kanilang expansion sa Asian market, na plano nilang magkaroon ng mas maraming international collaborations.
Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career?
“Wish ko po is to be known not only in the Philippines but internationally din po,” matipid na tugon ni Yuki.
Happy ba siya sa takbo ng kanyang showbiz career?
“Yes, happy po ako. Slowly but surely lang po… and I hope I could give inspirations to others also.”
Samantala,very soon ay mapapanood si Yuki sa pelikulang “Lost and Found” na tinatampukan nina Paolo Contis, Kelley Day, at Quinn Carrillo.
Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio, ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Vipe Studios ni Dave Villaflor.
Kasama rin si Yuki sa pelikulang Die Father, Thy Son ni Direk Sid Pascua. Tampok sa pelikula sina JC Santos, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn Carrillo, at iba pa.
Tila tinototoo ni Yuki ang sinabi niya na graduate na siya sa pageants, kaya naman ang focus na niya ngayon ay sa acting na talaga.