Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Si Coco at si Brian ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPAT
ni Mat Vicencio

TODO-SUPORTA si Coco Martin, ang bida ng Batang Quiapo, kay Brian Poe Llamanzares sa unang bugso ng kampanya ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na ginanap sa Pangasinan, ang lalawigang pinagmulan ng angkan ni Da King Fernando Poe, Jr.

Sa isang motorcade, magkasama sina Coco at Brian kabilang si Senator Grace Poe na lumibot sa mga bayan ng Calasiao, Dagupan, Sto. Tomas, Basista, at San Carlos para ipaabot ang mensahe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mamamayan ng Pangasinan.

Sa pagharap ni Brian sa mga Pangasinense, inilinaw niya ang magiging sentro ng pagtulong ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ay sa sektor ng mga magsasaka, mangingisda, transport, urban poor, at frontline workers.

         Sabi ni Brian… “mga kasama, bilang apo ni FPJ, ito lang talaga ang pangarap ko… na ituloy ang legasiya ng aking lolo. At hindi ko makakalimutan ang sinabi ni FPJ sa kanyang talumpati noong 2004, na ang kanyang serbisyo sa mamamayan ay walang katapusan.”

Kung matatandaan, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay nakasandig sa diwa ng ‘Bayanihang Pilipino’ at layunin nitong tulungan ang mga nangangailangan at mga kapos-palad, higit sa lahat ang mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ni Coco… “ang partylist po na FPJ Panday Bayanihan, ginawa po ito para maglingkod at tumulong po sa lahat ng mga Pilipino dahil alam po natin ang pinagdadaanan ng buong mundo at ng buong bansa,” pahayag ni Coco.

Binigyan diin ng Batang Quiapo star ang magagandang bagay na nagawa ng FPJ Panday Bayanihan, dahilan para dapat papanalunin ito bilang isang partylist sa darating na halalan.

“Napakaraming bagay na po ang nagawa ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, hindi pa naman ito nagiging partylist, tumutulong na sila sa lahat ng pinagdaraanan ng mga Pilipino,” dagdag ng aktor.

“Kaya andito po kami ngayon. Andito po ako ngayon sa inyong harapan para sabihin po sa inyo na isa po ako sa katulong nila upang ipaglaban ang lahat ng mga Pilipino,” hirit pa ni Coco.

Matatandaang sinabi ni Grace na nasa kamay ngayon ni Brian ang pagpapatuloy ng inumpisahang laban ni FPJ, at kailangan niya itong pagbutihin at higit sa lahat ay ipaglaban ang mahihirap at mga inaapi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …