INARESTO ng mga awtoridad ang isang indibidual sa isinagawang gun buybust operation sa Brgy. Lambakin, sa bayan ng Marilao, lalalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 22 Pebrero.
Ayon sa ulat mula kay kay P/Lt. Col. Eulogio Lamqui III, hepe ng Marilao MPS, ang naarestong suspek ay isang 42-anyos na pinaniniwalaang miyembro ng isang gun-running syndicate.
Nakompiska mula sa suspek ang isang unit ng caliber .38 revolver na kargado ng mga bala sa ikinasang gun buybust operation ng Station Intel Operatives ng Marilao MPS.
Napag-alamang kumasa ang suspek sa inilatag na bitag ng mga operatiba kung saan isa sa kanila ang nagpanggap na poseur buyer ng baril.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code na isasampa laban sa suspek.
Ayon kay P/Lt. Col. Lamqui, ang mga loose firearms at gun running ay malaking banta sa seguridad at kapayapaan ng bansa, at hindi kailanman dapat gamitin bilang kasangkapan para sa paparating na Midterm Election 2025. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com