IBA talaga ang talentong Pinoy!
Sa unang pagkakataon ay may mga FilipIno musical artist na kasali para mag-perform sa sikat na Waterbomb Festival.
Ang mga mapapalad na ito ay ang solo female artist na si Zela at ang boy group na Bilib na kapwa mina-manage ng AQ Prime Music.
Unang beses na gagawin ang naturang musical festival sa Pilipinas at pinakauna ring mga Pinoy na mapapasali sa malaking event na ito sina Zela at ang Bilib.
Taong 2015 nagsimula ang Waterbomb Festival sa South Korea na nilahukan ng mga popular na Korean artists at naging tradisyon na sa South Korea tuwing sasapit ang summer.
Ang kaibahan ng concert na ito sa ibang shows? Habang ongoing ang mga performances ay nagbabasaan ang lahat, yes, ang performers at mga manonood na gamit ang mga water guns at water cannons.
Kaya naman lahat ay basam-basa habang nagkakasiyahan sa mga production number.
Gaganapin ito sa February 22 at 23 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
Ang Bilib ay binubuo nina Yukito Kanai, Clyde Ballo, Zio dela Paz, Rafael Mumar, RC Coronel, Jmac Sangil, at Carlo Samson.
At ayon sa spokesperson ng grupo na si Yukito, “We’re so thrilled na kami po iyong isa sa mga napili po nila together with Zela po sa Act 4, Waterbomb po.
“Super thankful po kami, super-honored to be performing for Waterbomb po.”
Winner nga pala ang Bilib sa 16th PMPC Star Awards for Music noong Oktubre 2024 bilang New Male Group Artist of the Year para sa kanta nilang Kabanata.
Bukod sa kanil, ang isa rin sa mga Filipino na magpe-perform sa Waterbomb ay ang Sparkle artist na si Thea Astley.
Kasama rin sa mga inaasahang magpe-perform ngayong Sabado at Linggo sa Waterbomb Festival ay sina Dynamicduo, Epik High, Kim Jong-kook, Chanyeol ng EXO, Baekho ng NU’ESTHwasa, B.I, Kwon Eun-bi, Lee Chae-yeon, STAYC, Roots, ZB & ATION, J.E.B, IMLAY, APRO, Raiden, Kang Daniel, Skull & Haha, Jessi, Sunmi, Hyolyn, Gray, Oh My Girl, VIVIZ REDDY, Yang Se-chan, U-kwon, INSIDECORE, SIENA GIRLS, Aster & Neo, 2SPADE, Mar Vista, at Kenet.