RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI namin mapigilan ang aming sarili kaya kahit alam naming ikagagalit ito ni Sylvia Sanchez (sorry, Jossette!) ay isusulat namin.
May pelikula ang Nathan Studios na pag-aari ni Sylvia, ang napakagandang animated film na Buffalo Kids na ipinalabas sa mga sinehan simula nitong February 12.
At si Sylvia, lingid sa kaalaman ng marami ay kung ilang beses nagpa-block screening ng Buffalo Kids para sa mga PWD o “persons with disability.”
Sa mga naturang block screening ay hindi nag-imbita ang actress/producer ng mga media people dahil ayaw niyang ipasulat iyon Hindi naman niya intensyon na ipangalandakan dahil ayaw niyang mapagbintangang ginagamit ang mga PWD.
Nais lamang niya kasing ibahagi sa mga PWD ang kagandahan ng Buffalo Kids kaya naman sariling salapi ni Sylvia ang ginamit niya para makapanood ng libre ng mga ito ang kanilang pelikula.
Pero ang nagpo-post ay ang mga dumalo sa mga screening. Hindi naman iyon mapipigilan ni Sylvia with the power of social media, hindi ba?
Kaya nakita namin ang mga post nila ng pagpapasalamat kay Sylvia.
“What a lovely, lovely afternoon watching Buffalo Kids with our @specialolympicspilipinas family. Thanks to tita Sylvia Atayde for bringing in the movie and sharing it with our athletes as a beautiful reminder of their (and all of our) value and worth. Do catch it, a beautiful message the entire family will appreciate! But wait, there’s more! Abangan!! ”
Ito ang Instagram post ni Akiko Thomson-Guevara na isang dating Pilipinang champion swimmer at ngayon ay Chairperson at Presidente ng Special Olympics Pilipinas.
Si Akiko ay maituturing na “most accomplished Filipina swimmer in the Southeast Asian Games having won eight gold medals in the biennial multi-sport meet between 1987 and 1993.”
Samantala, ang Special Olympics Pilipinas ay isang “global non-government organization for people with intellectual disabilities. Established in 1968 in Chicago, Illinois. Present in 200 countries.”
Kasama ni Akiko ang mga espesyal na mga atleta ng SOP na nanood ng Buffalo Kids at ito naman ang nasa post sa IG account ng Special Olympics Pilipinas.
“A heartfelt thank you to the Atayde Family and Nathan Studios for hosting the free movie screening for the SOP Community last February 16 at Gateway Mall!
Your generosity brings joy and inclusion to everyone in our community. Together, we create a brighter, more inclusive world for all. ”
Nakakataba ng puso ang mga ginagawa ni Sylvia.
Kundi kami nagkakamali, ngayon lamang kami nakarinig ng block screening ng isang pelikula na ang mga imbitado ay mga person with disability.