Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tomahawk plane nag-emergency landing sa Bulacan

Tomahawk plane nag-emergency landing sa Bulacan

ni Micka Bautista

INIULAT ng pulisya ang emergency landing incident ng isang PA 38 Tomahawk plane matapos magkaroon ng engine failure habang lumilipad sa bahagi ng Plaridel, Bulacan kahapon ng umaga.

Nakaligtas sa insidente ang mga sakay ng eroplano na kinilalang sina Velentine Bartolome y Torre III, pilot instructor, 50 anyos, residente sa BF Homes Almanza Dos, Las Piñas City; at David John Cayaban y Cabrera, 25 anyos, training pilot, residente sa 23 Mil Flores Drive, Beverly Hills, Antipolo City.

Ayon sa piloto, nag-take off sila bandang 9:15 ng umaga sa Flight Line (flying school) sa Brgy. Lumang, Bayan, Plaridel.

Habang nasa kalagitnaan ng flight training ay napag-alaman ng pilot instructor na biglang huminto ang makina ng nasabing eroplano dahil umano sa engine failure.

Ito ang nagbigay-daan sa kanya na gamitin ang grass field sa Brgy. Lalangan bilang emergency landing kaya ang dalawang biktima ay ligtas at walang palatandaan ng pinsala.

Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng CAAP Security Intelligence Service ay nasa lugar para magsagawa ng imbestigasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …