Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Sixto

Marian gustong bumalik ng Spain

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAMANG-TAMA ang Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel, isang uri ng sunscreen na ineendoso ni Marian Rivera (mula sa Luxe Beauty and Wellness Group ni Ana Magkawas) sakaling mag-beach silang mag-anak. 

Kaya natanong namin kay Marian kung may plano sila?

Planong puntahan?  Actually wala pa,” sinabi ni Marian. “Minsan masaya kami na biglaan eh, ‘Wala kang schedule? Tara, alis tayo!’

“Iyan, may mga ganoon kami at saka ‘yung mga bata ngayon pumapasok eh, so, ‘pag may mga sem break lang, baka.”

Dalawa ang anak nina Marian at Dingdong Dantes, sina Zia at Sixto.

May isang lugar na gustong-gustong puntahan ang pamilya ni Marian.

Actually napuntahan na namin, pero gusto kong ibalik uli kasi gusto naming bisitahin ‘yung tatay ko, kasi hindi pa niya nakikita si Sixto, si Zia lang ‘yung nakita niya.

“So baka kung mayroong pagkakataon, na mukhang malabo naman, pero ‘yun ‘yung siguro bibigyan ko ng chance na makapunta kami sa Spain.”

Bongga ang career ni Marian, blockbuster ang pelikula niyang Balota na nanalo rin siyang Best Actress sa Cinemalaya last year.

Kung papipiliin si Marian, box office or best actress?

Both,” at tumawa ang aktres. “Bawal mamili.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …