RATED R
ni Rommel Gonzales
PALABAS simula February 19 sa mga sinehan ang zombie movie na gawang Pinoy, ang Lisik Origin Point ng direktor na si John Renz Cahilig.
Sa kuwento, isang guro ang may isasagawang eksperimento sa loob ng isang eskuwelahan pero may pagkakamaling magaganap kaya magkakaroon ng zombie outbreak.
May napanood kaming ganitong series sa Netflix, ang All Of Us Are Dead ngunit ayon kay direk John ay hindi niya ginaya o kinopya ang naturang South Korean TV series.
Bago pa man ipalabas ang AOUAD ay nasimulan na nilang gawin ang Lisik Origin Point sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nagkataon lamang na parehong sa loob ng isang paaralan ang setting ng dalawang nabanggit na proyekto at ang mga main character ay mga estudyante at teacher.
Ang cast ng pelikula ay binubuo nina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, atRosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang batikang aktor na si Ramon Christopher.
Produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa pelikula rin sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.
Mula ito sa executive producer na si Dominic Orjalo na siya ringnagmamay-ari ng Dominic Institute of Science and Technology na maraming branches sa Bulacan.