Wednesday , May 14 2025
Teacher Marianne Lourdes Leonor Wilson Lee Kamuning Bakery

Teacher Mary napisil Dimples, Iza, Mylene gumanap sa bioflick

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TOMASINO. Sa University of Santo Tomas siya nagsunog ng kilay para makarating sa pangarap niya na maging isang guro.

Marubdob mangarap si Teacher Marianne Lourdes Leonor

Sa bansang Tsina siya napadpad. Nang isang kaibigan ang maghikayat sa kanya  na roon na magturo. Bago ito, ilang buwan din muna siyang nagturo sa Indonesia.

Sa loob ng 13 taon, nanahan siya sa Suizhou City, Hubei Province ng China. Kahit pa mapalayo sa pamilya, hinarap ni Teacher Mary ang hamon. Dahil madali naman siyang nakakauwi sa bansa sa mga panahong may mga break sa kanilang paaralan (Suizhou No.1 Middle School).

Masuwerte si Teacher Mary. Ang mga tinuturuan niya ay mga batang paslit. At English ang subject. At hinayaan siya ng administration ng paaralan (5 ‘yun) na gumawa ng sarili niyang curriculum sa paraang alam niyang mas epektibo para sa mga bagets.

Taong 2012 ako dumating sa China. That time, dalawa pa lang ang school sa lugar namin. Primary at Middle School. Ngayon mayroon ng Kindergarten. High school na lang ang wala pa.”

Sa kuwento ni Teacher Mary nang makaharap namin ito sa Kamuning Bakery ni Wilson Lee, sinabi nitong komportable naman siya sa kalagayan niya roon. Kaya kahit magkaroon ng offer sa kanya para bumalik na ng Pilipinas at dito na magturo ay mas pipiliin pa rin niya roon sa China.

Maganda nga ang lugar na pinagmulan at kinalakhan ni Teacher Mary. Sa Coron, Palawan naroon ang pamilya niya. Dalaga siya at wala pang mga anak. 

Sa pananahan niya roon, ang panahong taglamig lang ang talagang challenge sa kanya. Pero sa ganoong panahon pinapayagan naman siya magbakasyon sa Pilipinas.

Ang perks na nakukuha naman niya ay ang libreng pabahay at sagot sa mga gastusin sa ibang bagay na kailangan niya roon. At kahit nga ang pamasahe niya pauwi at pabalik doon ay sagot ng paaralan.

Nag-iisang Pinay lang si Teacher Mary roon. Ang nagyaya sa kanya para maging isang ganap na guro roon ay nakalipat na rin ng lugar sa Tsina.

Hindi rin problema sa pagiging Katoliko niya ang pagdinig ng Santa Misa dahil may simbahan naman roon kung saan siya nagdarasal.

Kung may isang OFW na nararapat na bigyang parangal, si Teacher Mary ‘yun. Kung may mga kababayan tayong nagiging caregiver sa iba’t ibang panig ng mundo na tinatalikuran ang pamilya para sa magandang kinabukasan, si Teacher Mary ang ehemplo sa liga ng mga guro. Na iniwan ang pamilya, ang bansa para kumalinga ng mga bata para sa isang magandang edukasyon.

Dalawng beses naman nakakauwi sa Pilipinas si Teacher Mary para makapiling ang pamilya na nasa Puerto Princesa na.

Kung gagawin daw pelikula ang buhay niya, tatlo ang napipisil niyang gumanap sa katauhan niya. Sina Dimples Romana, Iza Calzado, at Mylene Dizon.

Oo, nakakapanood naman siya sa cable channels ng ilang TV series at pelikula na lokal kaya, kilala rin sa bayan nila sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

About Pilar Mateo

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …