NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang ismagel na luxury vehicles na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon sa isang warehouse sa Parañaque City at Pasay City.
Ayon sa pahayag ng NBI sa kanilang statement noong Biyernes, ayon sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) nakatanggap sila ng tip
hinggil sa nasabing mga sasakyan nitong unang linggo ng Pebrero.
“When we received the tip about these vehicles early this month, we immediately verified the information and processed the issuance of the appropriate orders to conduct the operation,” ayon kay CIIS Director Verne Enciso.
Dumating ang CIIS team sa Pasay at Parañaque warehouses nitong Huwebes upang maghain ng letters of authority at ng mission orders sa mga kinatawan ng
mga kompanya na nagmamay-ari ng mga bodega.
Ang mga may-ari, umuupa, nagpapaupa, umookupa, at iba pang responsible sa warehouse ay kinakailangan magsumite ng proof of taxes sa loob ng 15 araw pagkatapos matanggap ang letters of authority.
Kapag natagpuang kulang sila ng mga kaukulang dokumento haharap sila sa mga kasong paglabag sa
Customs Modernization and Tariff Act.
Tinatapos pa ng BoC ang kanilang imbentaryo sa lahat ng mga sasakyan na natagpuan sa nasabing mga warehouse.