Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon Lilim

Ryza nagpakalbo para sa Lilim: Hindi na nga ako sanay na may buhok

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAGPASOK pa lamang ni Ryza Cenon sa Viva Café sa Cubao ay lumapit na siya sa amin at bumeso.

Kaya agad naming napansin ang kanyang semi-kalbo na hairstyle.

Alam namin na noon pang June 2024 nagpakalbo para nga sa Viva Films horror movie na Lilim kaya akala namin ay medyo humaba na ang kanyang buhok.

At during the presscon proper, doon inihayag ni Ryza ang katotohanan.

Aniya, “Mas komportable po ako ngayon sa kalbo. Hindi na po ako sanay na may buhok.

“Every time na maglalagay ako ng wig, hindi po ako sanay.

“Parang hindi ako ‘yun kapag nagwi-wig ako. Naninibago po ako kapag may hair.

“Sa look test pa lang, napansin ko po na mahihirapan talaga ako sa prosthetic kaya ginawan ko po ng paraan.

“Kaya po ako nagpakalbo para hindi mahirapan.

“Para hindi po malimitahan ang galaw ko, ‘yung acting ko.”

Kung may isang bagay na nahirapan si Ryza ay ang kanyang mga dayalog dahil may ibang atake na gusto ang direktor ng Lilim na si Mikhail Red.

Ang kaibahan po, hindi siya more on pasigaw na karakter na pino-portray ko po.

“More on mata-mata lang and wala pong masyadong lines so talagang mata acting po.”

Bida sa Lilim si Heaven Peralejo kasama sina Eula Valdes, Skywalker David, Mon Confiado at marami pang iba.

Mula sa Viva Films at Studio Viva, ipalalabas sa mga sinehan simula sa Marso 12, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …