Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
YANIG ni Bong Ramos

Video-karera na matagal nang laos, bumabalik na naman

YANIG
ni Bong Ramos

MULI yatang ibinabalik sa mga lansangan ng Maynila ang mga makina ng video karera (VK) na matagal na panahon nang laos at limot na rin ng publiko matapos makakompiska ng makina ng VK ang mga awtoridad sa loob ng Manila North Cemetery kamakailan.

Kung kailan pa anila naghigpit ang pulisya laban sa lahat ng uri ng illegal gambling sa lungsod at saka naman sumulpot ang VK na alam nating lahat na maraming sinirang buhay at pamilya.

Siguradong hindi lang isang makina ang ilalabas ng mga maintainer nito dahil malulugi sila sa intelihensiya at gastos,hahanap din siyempre iyan ng panabla at ilang butas na puwede silang makabawi.

Saksi tayong lahat na maraming sinirang buhay at nilubog na mga tao ang makinang ito partikular na ang mga kabataan na nalulong at nagumon dito.

Sapilitang ipinatigil at totally ban sa Maynila ngunit ngayon tila ibinabalik na naman nang paunti-unti.

Ang sinasabing VK ay nakompiska mismong sa loob ng Manila North Cemetery. Pinaniniwalaan na marami pang mga makina ang nag-o-operate sa buong lungsod.

Imposible anila na iisa lang ang makina dahil ang nasabing sugal in-na-in sa publiko maging noong lumipas na panahon.

Noong araw, kalimitang mga pulis o mga retiradong pulis ang maintainer nito dahil nga malakas itong pagkakitaan. Malaki ang posibilidad na sila pa rin ang may hawak nito ngayon.

Wala naman kasing ibang tao ang may lakas ng loob na maglagay nito kundi sila o ‘di kaya’y ang kanilang mga dummy at ginagamit na mga front.

Siguradong marami pang makina ang nandiyan lang sa tabi-tabi at hindi puwedeng ilan lang dahil matatalo sila sa intelihensiya. Iba rin ang proteksiyong ibinibigay dito at blessing ‘mula sa itaas’.

Ang may hurisdiksiyon sa lugar ay ang Manila Police District (MPD) PS-3 na tila natutulog sa pansitan o kaya’y nagtataingang-kawali o nagbibingi-bingihan lang, patay-mali ‘ika nga.

Sa kabilang dako, isang tupadahan ang nahuli sa tabakuhan ng MPD-PS-5 na ilang taon rin daw nag-o-operate ngunit ngayon lang napansin.

Kung mayroong sugalan sa AOR ng Station 3 at Station 5, hindi malayong mayroon din nito sa iba pang police station na nasasakupan ng MPD, ‘di po ba?

Kung kailan naghigpit ang pulisya laban sa illegal gambling na sinamahan pa ng ‘no take policy’ e mas Lalo yatang lumala.

Paano raw naging ‘no take policy’ e halos araw-araw ay dumaraing ang mga vendor sa taas daw ng tarang hinihingi sa kanila.

Kung ang mga vendor ay hinihingan, malaking kalokohan na hindi sila tumatanggap sa mga maintainer ng illegal gambling.

Siyento porsiyentong tukoy at hindi puwedeng makalusot sa kanila ang illegal bookies, mga kobrador ng easy two, jueteng, at marami pang iba.

Bokilya lang anila ang sinasabing higpit at ‘no take policy’ ngunit sa totoo lang ay take one, take two hanggang take nang take na lang, simplehan na sila-sila lang ang nagkakaalaman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …