Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marvin Agustin Jolina Magdangal Ex Ex Lovers

Marvin inamin challenge sa kanila ni Jolens ang magpakilig ngayon 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang maraming taon ay muling nagsama sa isang pelikula sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, at ito ay sa reuninon movie nilang Ex Ex Lovers.

Hiningan namin ng reaksiyon si Marvin tungkol dito.

Noong umpisa nakaka-challenge kasi parang, since pinapanood nila ‘yung pelikula namin dati, kinikilig sila, natawa sila, nag-enjoy sila, nakaka-challenge kung paano namin gagawin sa edad namin ngayon,” at natawa si Marvin.

“Na parang, tamang timpla, na nakakikilig pa rin pero hindi nakakaumay kasi, ‘Ang tatanda na nito, ganoon pa rin,’” at muli siyang natawa.

“But seeing their reactions ‘pag nagsu-shoot kami… kasi kami ni Jolina pareho kami na ayaw naming pinanonood ‘yung sarili namin. So parang that’s why we give the full trust to the people na we work with.

“Na kapag natawa sila parang, magtitinginan na kami, parang, ‘Maganda ‘yung ginawa natin, okay, okay.’

“So naging ganoon ‘yung proseso namin. So hanggang matapos na ‘yung pelikula hanggang sa pinanood na namin ‘yung in-edit nila.

“So roon namin nasabi na parang, hanggang sa trailer nga kanina, na parang, ‘O wow, I think we made a film na magugustuhan ng mga tao,’” pahayag ni Marvin.

Palabas ngayon sa mga sinehan ang pelikula. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …