Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francia Cheche Camacho Conrado Gabby Ramos

FAMAS at REMS Entertainment sanib puwersa sa Famas Short Film Festival

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAPAKALAKI ng pagpapahalaga ng Pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS (Francia “Cheche” Camacho Conrado) sa mga short filmmaker. Kaya sa pakikipagtulungan kay Direk Gabby Ramos sa ilalim ng REMS Entertainment nito, nabuo ang isang panibagong film festival. Ang FAMAS Short Film Festival.

Ito ay para nga mabigyan ng mas malaking tsansa ang mga mangagawa ng pelikulang Filipino sa nasabing kategorya na maipamalas pa ang kanilang creativity sa mas marami at malawak ding audience.

Kaya inaanyayahan na ang mga scriptwriter, director at iba pang gumagawa at involve sa paggawa ng pelikula na magsumite ng kanilang entry na nagsimula na noong  Enero 24 hanggang Marso 25, 2025. At matapos ma-screen ang mga ito mula Mayo 3 hanggang Mayo 9, 2025, idaraos naman ang Gabi ng Parangal sa Mayo 10, 2025 para makamtam ang pinakaaasam na tropeo.

Kaya nakabukas na para tumanggap ng entries sa [email protected] o bisitahin ang official Faecebook page nito sa FAMAS SHORT FILM FESTIVAL.

At pwede ring isumite ang kanilang short film sa https://forms.gle/dnH5Y53U3jaxWqWB8 na ilalagay ang mga detalyeng kinakailangan. Kasunod nito ang pagbabayad ng screener’s fee (P2,500) at student fee (P2,000). I-upload ang proof of payment. At i-hit ang submit.

Kailangan lang na hindi hihigit sa 20 minuto ang haba ng pelikula (kasama na ang end credits), orihinal na lengguwahe na may English subtitle. At ang direktor ay Filipino. At hindi pa naisumite na sa FAMAS.

Para sa Student films kailangang iendoso sila ng kanilang mga paaralan. Para sa regional naman maaaring nakatuon ito sa kanilang regional stories, lengguwahe at paraan ng pamumuhay. Sa advocacy at documentary, societal issues na makaka-inspire rin ang pasok.

Nakatuon ang tema nito sa diversity, innovation at storytelling sa sari-saring kategorya – short film, student film, regional film, advocacy film, at documentary.

Ayon sa festival director na si Direk Gabby, nakalaan ang VS Cinema sa 8th floor ng Victoria Sports Tower sa EDSA sa Quezon City para sa mga mapipiling finalists.

Masaya sina Prexy Cheche at direk Gabby sa sanib-puwersa na tinatawag nilang hybrid film festival. Involved na ang buong bansa na makasali. At dahil may separate award, may tsansa na para may makahawak ng most coveted bronze trophy sa magiging Best o Pinaka!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …