Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buffalo Kids Sylvia Sanchez Nathan Studios

Buffalo Kids may puso, napakalinis

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAUNAWAAN na namin si Sylvia Sanchez nang hindi siya sumagot nang diretso sa tanong kung bakit napili ng Nathan Studios na dalhin sa Pilipinas ang pelikulang Buffalo Kids.

Sabi niya, ayaw niya ng spoiler kaya hindi niya masasagot ang tanong namin.

Matapos naming mapanood ang nabanggit na cartoon film, alam na namin ang sagot sa tanong namin kay Sylvia; maganda ang Buffalo Kids, may puso, at kompleto.

May drama, comedy, romance suspense, at action.

At ang animation, napakalinaw, napakalinis!

Aakalain mo na live action film ang pinapanood mo at hindi animation.

At kahit cartoon siya, hindi lamang siya pambata, lahat ng edad, lahat ng gender ay makare-relate sa pelikula.

Magandang Valentine movie date ang Buffalo Kids na palabas na sa mga sinehan simula February 12.

Puwede sa buong pamilya, magkakabarkada, at magkasintahan.

Iba talaga ang mga mata at panlasa ni Sylvia, kapag may napanood o nakita siya at nagandahan, tiyak na maganda.

At take note, dahil sa Buffalo Kids ay lumikha ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pinaka-unang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas.

Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t ibang genres — mapa-aksiyon, comedi, drama, at marami pang iba — sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa Buffalo Kids. Aligned ito sa misyon ng studio sa paggawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films.

Sa direksiyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksiyon ni Pedro Solis, ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.

Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham. Sumikat ito matapos ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival noong June 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia.

At gaya ng sabi nila sa socmed kamakailan, “We’re going on a wild adventure! Heroes and villains! Buffalos in the middle of nowhere! And special friends along the way.”

Sana ay marami pang ganitong klase ng pelikula ang dadalhin ni Sylvia at ng Nathan Studios sa Pilipinas, kailangan pa natin ng ganitong makabuluhan at nakaaaliw na panoorin sa mga sinehan.

At good news, sa tanong din namin kay Sylvia kung may tsansa na magkaroon ng part 2 ang Topakk na pelikula ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde, why not daw, ang nakangiting sagot ng aktres.

Pero hindi ito para sa Metro Manila Film Festival tulad last year na entry ang Topakk, kasi may nakahanda na si Sylvia, kung sakali, na isasali nila sa MMFF sa Disyembre 2025.

Pero secret pa raw muna ang mga detalye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …