Thursday , April 17 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagbaba ng krimen  sa QC, ‘wag balewalain — Napolcom Comm. Calinisan

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TAMA ang inyong nabasa – huwag balewalain o isnabin ang pagbaba ng krimen sa Lungsod Quezon. Sino ang may sabi? Hindi tayo, lalong hindi ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) at sa halip, si Napolcom Commissioner Rafael Calinisan.

Hindi lang ang “huwag balewain” ang malaking tagumpay ng QCPD na pinamumunuan ni PCol. Melecio M. Buslig, Jr., at sa halip, pinuri ni Comm. Calinisan ang pulisya sa kampanya nito laban sa kriminalidad na nagresulta sa pagbaba ng krimen sa Lungsod.

Katunayan nga e, patuloy pa ang pagbaba ng krimen sa QC dahil sa walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad bunga ng pagpapatupad  ni PCol. Buslig sa direktiba nina PNP Chief, Rommel Francisco D. Marbil at NCRPO Acting Regional Director, PBrig. Gen. Anthony A. Aberin kaugnay sa mga programa ng PNP – ang ABLE, ACTIVE, at ALLIED.

At siyempre, higit sa lahat ay pinapurihan ni Comm. Calinisan si QC Mayor Joy Belmonte sa hindi matatawarang suporta ng alkalde o ng Local Government Unit (LGU) sa QCPD partikular ang logistic at moral support.

Kung susuriin, ang pahayag ni Comm. Calinisan sa pagsasabing, huwag balewalain ang trabaho ng QCPD, tila sinasabi ng Komisyoner sa pamunuan ng PNP na  pag-aralan at ikonsidera ang estratehiya ng QCPD kaugnay sa gera nito sa kriminaldad dahilan para mapababa at patuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod.

Tila sinasabi pa ni Calinisan na sa pagkonsidera sa estratehiya ng QCPD na pag-aralan ang lahat ay kung maaaring iimplementa ito sa lahat ng distrito ng pulisya sa Metro Manila upang hindi lang sa QC ang magpatuloy ang pagbaba ng krimen kung hindi sa buong Metro Manila.

Take note ha, heto ang sabi ni Comm. Calinisan… “crime reduction achieved by the  Quezon City is very significant and should not go unnoticed for its exemplary efforts in ensuring the safety and security of their respective jurisdiction.

               “This achievement is a testament to the unwavering commitment and strong ties between the LGU, and the Police Force in protecting the citizens and creating a safer environment for everyone,” pahayag ni Calinisan.

Ang datos na pinagbasehan ni Comm. Calinisan ay ang accomplishment ng QCPD para sa taong 2024 kung saan makikitang malaki ang ibinaba ng krimen bilang resulta ng epektibong estratehiya sa kampanya ng QCPD sa pamumuno ni Buslig, Jr.

Sa ulat na nakarating kay Comm. Calinisan,  bumaba ang krimen ng  21.97 porsiyento para sa  overall crime incident kompara sa taong 2023.

Partikular na bumabang krimen ay ang physical injuries, rape, theft, at robbery na sa unang apat na buwan ni Col. Buslig bilang Acting District Director ay bumaba ang krimen ng 14% sa kabuuan lalo sa sinasabing major focus crimes – ang murder, bumaba ng 29.41%; physical injuries ng 52%; rape ng  36%; robbery ng 17%; at  theft ng 9%.

Ang lahat ay bunga ng dedikasyon ni Col. Buslig o ng QCPD sa kabuoan sa paglilingkod sa QCitizens para sa kanilang seguridad.

“It reflects their hard work, dedication, and collaboration with the community. I extend my heartfelt gratitude to every police officer who contributed to this success. This milestone serves as both a celebration of success and a reminder of the collective responsibility to sustain peace and order. Nagpapasalamat ako kay Col. Buslig for a job well done,” diin ni Calinisan.

Congratulations Col. Buslig, sampu ng iyong mga opisyal at tauhan sa pagtitiyak sa seguridad ng milyong QCitizens…at siyempre, saludo rin tayo kay Mayor Joy Belmonte sa hindi matatawarang pagsuporta niya sa QCPD para mapababa ang krimen sa lungsod.

So, kung susuriin pa natin ang pagpuna at pagpuri ni Comm. Calinisan sa matagumpay na trabaho ng QCPD, kaya patuloy sa pagbaba ng krimen sa lungsod – may isa pang ibig sabihin nito. Ano?! E di ibaba na ang promotion – FIRST STAR “BRIG. GENERAL” ni Col. Buslig.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …