Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Vera, original drag queens, Rdee Asadon magsasama-sama ngayong Araw ng mga Puso sa Music Box

Miguel Vera, original drag queens, Rdee Asadon magsasama-sama ngayong Araw ng mga Puso sa Music Box

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MUNISIPALIDAD sa bayan ng Iloilo ang Dingle. 

Roon pala nagmula ang may-ari ngayon ng Music Box sa Timog at business partner naman ng may-ari ng The Library sa Las Piñas na si Mamu Andrew de Real.

Si Arnel Dragido ang tumatayo ngayong “ama” ng mga host sa nasabing sing-along bar.

Pero paroo’t parito ito sa kanyang bayan sa Iloilo at dinadala ang mga pambatong host sa kanyang bayan para magbigay aliw din sa mga kababayan.

Matagal na rin palang nagsisilbi sa kanyang bayan ang mas kilala sa tawag na Boss Jerick at palalawakin pa niya ito sa pagsisilbi roon balang araw.

Sa sing-along circuit, itinatag na rin niya and D’Calibre Entertainment na siya na ring nagma-manage ng karamihan sa mga host ng The Music Box.

Habang papalapit na ang anibersaryo ng MB sa Mayo, maya’t maya na rin ang pabongga ng kaliwa’t kanang palabas dito.

Ngayong panahon ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, muling magsasama-sama ang mga original na drag queens ng sing along, ang Raging Divas with the Muses ngayong Huwebes, ika-13 ng Pebrero with their Red and Wild. 

Sa mismong Araw ng mga Puso, fresh from his long stay in  the US, manghaharana si Miguel Vera with his HiMIGZ ng Pag-Ibig. And on the 15th, ang pambatong singer ng MB at D’Calibre na si Rdee Asadon naman ang maghahandog ng kanyang Straight from the Heart.

Punompuno ng pag-ibig ang Pebrero. Lalo na sa mga nagmamahal sa musika na may kasamang tawanan.

Confident  naman si Boss Jerick na kahit napapadalas na siya sa Dingle ngayon, eh tuloy-tuloy lang ang kasiyahan sa Music Box. Lalo pa at tuwing Miyerkoles ay idinaraos ang The Voice of Music Box. Na at the same time ay ginagnap din sa The Library ni Mamu Andrew. At ang mga mananalo sa contest ng dalawang bars ay maglalaban din para  sa malalaking premyo kasama na ang paggawa ng kanta ni Vehnee Saturno at kontrata sa D’Calibre!

So, drop by na sa MB. At bawat gabi ay may hatid na kakaibang saya! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …