Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddie Mesa Rosemarie Gil siargao Andi Eigenmann Philmar Alipayo

Andi, Philmar inayos daw nina Eddie at Rosemarie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG gaano kabilis sumambulat ang balitang hiwalay na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ganoon din kabilis na naayos ito. At iyon ay dahil sa sinasabing pagpunta ng mga lolo at lola ng aktres.

Kumalat ang mga larawan ng pagpunta ng lolo’t lola ni Andi sa Siargao na sina G Eddie Mesa at G Rosemarie Gil kasama ang apong si Ellie Eigenmann Ejercito. Kaya naman napagtantp agad ng netizens na inayos ng lolo at lola ni Andi ang problema nilang mag-asawa lalo’t nakitang kasama rin si Philmar nang kumain ang mga iyon.

Sa post ni Andi sa kanyang Instagram Story makikita ang pagdating ng kanyang lolo’t lola. May caption iyong, “Mama & Papa walking on the streets of my neighborhood.”

May picture rin si Rosemarie kasama ang apong si Ellie. Kasama rin sina Lilo at Koa habang nasa isang tourist shop na nakasuot ng native hat.

Viral din ang photos na magkakasamang kumakain ang pamilya ni Andi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …