Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Koronang ‘epal queen’ aagawin ni Camille kay Imee

SIPAT
ni Mat Vicencio

MUKHANG maaagaw ni Rep. Camille Villar kay Senator Imee Marcos ang korona bilang isang tunay na ‘epal queen’ habang papalapit nang papalapit ang nakatakdang senatorial election sa Mayo 12.

Kung mapapansin, tulad ni Imee hindi nagpapahuli si Camille, at patuloy rin ang ginagawang pagkakabit ng mga tarpaulin na makikitang nagkalat sa mga barangay, munisipalidad, lungsod, at hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan din.

Sumasabay rin si Camille kay Imee sa pag-iikot kung saan-saang lugar, at laging present sa mga kaganapan tulad ng flag raising ceremony, kasalang bayan, fun run, birthday, graduation, beauty contest, anniversary, fiesta at groundbreaking ng mga gusali pati na mga kalye at tulay.

Tulad ni Imee, ang pamimigay ng TUPAD at AICS sa mga lokal na pamahalaan ay naroroon at hindi nawawala si Camille sa kabila ng kautusang tanging mga kinatawan ng DOLE at DSWD ang kailangang mamahagi ng nasabing suporta.

At sa pagpasok ng election at campaign period, unti-unting nararamdaman ang tunay na ‘bangis’ ni Camille, at mapapansing halos tinadtad na ang buong bansa ng kanyang tarpaulin kabilang na ang sunod-sunod na political ads sa telebisyon, radio, pati sa social media.

               Kaya nga, marami ang nagtatanong kung talagang naagaw na nga ba ni Camille kay Imee ang korona bilang ‘epal queen’? At papayag ba naman si Imee na pumangalawa na lamang kay Camille at mawala sa kanya ang trono ng pagiging super epal?

Kung iisiping mabuti, nakalulula ang bilyon-bilyong pisong ginagastos nina Imee at Camille sa kanilang ‘pangangampanya’ maseguro lang na mananalo at mangunguna sa halalang darating.

Pero ang nakalulungkot, sa kabila ng kanilang ginagawang paglulustay ng malaking halaga ng pera, kulelat na lumalabas sina Imee at Camille sa pinakahuling senatorial survey ng SWS.

Sa ngayon, laglag ang dalawang epal sa ‘Magic 12’ ng SWS at nasa ika-14 na lamang si Imee at si Camille naman ay nasa ika-15 puwesto.

At sa nakatakdang campaign period (Pebrero 11 – Mayo 10), magandang subaybayan kung sino kina Imee at Camille ang hihiranging tunay na ‘epal queen!’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …