Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolina Magdangal Marvin Agustin

Jolens kinikilig inspirasyon sila ni Marvin ng maraming netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINIKILIG daw si Jolina Magdangal tuwing naririnig niyang nagsilbing inspirasyon sila ni Marvin Agustin at ang mga proyektong ginawa nila noon para sa maraming tao.

At ngayon, may bago silang pelikulang ipalalabas, ang Ex Ex Lovers.

Ako kinikilig ako,” bulalas ni Jolina.

Kasi sila ngayon ‘yung alam nila kung ano ‘yung nangyayari ngayon, alam nila ‘yung mga dapat napapanood na rin,” sinabi ni Jolina na ang tinutukoy ay ang direktor ng pelikula na si JP Habac.

Dagdag pa ni Jolina, “And iba na rin ‘yung ideas ngayon ng paggawa ng pelikula at ng istorya.

“So, parang ‘pag nasasabi na inspirasyon kami at ‘yung naging proyekto namin, parang ang sarap ng feeling dahil noong ginagawa namin iyon, hindi naman… ako noong ginagawa namin ‘yung movies namin hindi ko naman inisip na parang, ‘Ah, para good example ito.’

“Hindi, eh. Talagang in-enjoy ko lang talaga ‘yung movie na kasama si Marvin, ‘yung istorya ang ganda, para talaga roon sa edad namin noong time na ‘yun.

“So masarap ‘yung feeling. Ako minsan hindi pa makapaniwala, eh!

Pero minsan hindi na namin  tinitingnan ni Marvin, hindi na namin pinanonood kung ano ‘yung naging eksena namin kasi ako basta makita ko lang sila direk at saka maiyak sila or matawa sila, kiligin sila, that’s it pansit, iyon na ‘yun,” pakli pa ni Jolina.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …