Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puganteng rapist tiklo

NASAKOTE ng mga operatiba ng PRO3 ang isang lalaking nakatalang high-profile na pugante sa manhunt operation na inilatag sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan.

Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 3rd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan PPO, sa koordinasyon ng Bulacan West PIT-RIU3, Balagtas MPS, Bocaue MPS, at 305th at 301st Maneuver Companies ng RMFB3 ang puganteng kinilalang si Carlos Angel Macabato, alyas Dagul, 21 anyos, sa Brgy. Borol 1st, sa nabanggit na bayan.

Nakatala si Macabato, residente sa Brgy. Caingin, Bocaue, bilang No. 6 most wanted sa regional level, No. 4 sa provincial level, at No. 1 sa municipal level ng bayan ng Bocaue.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas ni Presiding Judge Olivia Escubio-Samar, ng Malolos City RTC Branch 79 para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Kasunod ng pag-aresto, ipinaalam sa kaniya ang mga karapatan sa konstitusyon at ngayon ay nasa kustodiya ng Bulacan 1st PMFC para sa angkop na dokumentasyon at legal na paglilitis. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …