Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gandang Gabi Vice Angel Locsin PGT

Ogie Diaz kinompirma, dating show ni Vice Ganda na GGV ibabalik; Angel mapapanood sa PGT?

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update na ibabalik ng ABS-CBN ang dating show ni Vice Ganda na GGV (Gandang Gabi Vice).

Sabi ni Ogie, “May isang post na pa-blind item na kung totoong tinanggihan ang pagdya-judge sa PGT (Pilipinas Got Talent) ‘yun pala naman kaya tinanggihan ay para maibalik ‘yung dating show.

“Si Vice Ganda na hindi na raw magdya-judge sa ‘PGT’ kasi nga pinaplano na ang pagbabalik ng ‘GGV’ o ‘Gandang Gabi Vice.’

“Kung mapapansin mo nauuso na ngayon mga interbyuhan baka gustong isabay ng ABS-CBN ‘yun at ito ang in ngayon at funny pa na si Vice Ganda ang mag-i-interview, balik natin ang ‘GGV.’ Naku ‘no, ang tagal na rin ng ‘GGV,’” aniya pa.

Hirit ni Mama Loi, “at saka madalas tinatanong ‘yan ni Meme sa mga post niya na, ‘gusto n’yo na bang magbalik ang ‘GGV?’ May clamor kumbaga maraming nagtatanong sa kanya kung kailan magkakaroon ulit.”

Sabi pa ni Ogie, “At saka may mga gimik din kasi ang ‘GGV,’ ‘di ba? Exciting ‘yan, ako parati kong pinanonood ang ‘GGV.’”

Balik-tanong ni Mama Loi, “Eh kaso ‘Nay (Ogie), kung magbabalik ang ‘GGV’ ni Meme, sino kaya ang papalit sa kanya na pangmalakasang judge sa ‘Pilipinas Got Talent?’”

Sagot agad ni Ogie, “Malay mo magbabalik si Angel Locsin?”

Napahiyaw sina Mama Loi at Tita Jegs, “Hay! Why not! Pero sino na kaya ang final na judges ‘Nay?”

Wala pa akong idea riyan pero kung ako tatanungin kapag nagbalik ang PGT, nagbalik din ang isang Angel Locsin,” sagot ni Ogie.

Say ni Mama Loi, “Oo nga, ang gandang pagbabalik (ni Angel).”

“At siyempre kung magkakatotoo man ‘yan, congratulations, Vice!  Dasurved ng mga Filipino ang pagbabalik ng GGV,” sabi pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …