Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Pepe Herrera

Pepe at Jerald walang kompetisyon: ayaw ko, collaborative ako

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUMANAP bilang Satanas si Pepe Herrera sa pelikulang palabas ngayon sa mga sinehan, ang Sampung Utos Kay Josh.

Wala ba siyang limitasyon sa pagganap sa harap ng kamera?

Wala po. Basta para sa akin, ang ipinapahiwatig po namin ay katotohanan, wala pong limitasyon para sa akin.

“May mga ilang bagay lang na hindi po ako komportable kasi palagay ko mas magaling na magagampanan ng kapwa ko, roon ko ‘yun sasabihin na, ‘Gusto kong gawin ‘yan pero mas mabibigyan ng hustisya ‘yan ni Jerald Napoles,’ and he would have to do it.”

Pero may isang bagay ang hindi gagawin si Pepe sa harap ng kamera.

Kahit anong role po na magpapakita ng private part.”

Hindi niya kaya?

Kaya ko po pero ayoko pong gawin ‘yun sa anak kong babae.”

Sila ni Jerald Napoles ang mga bida sa Sampung Utos Kay Josh.

Pareho sila ni Jerald na komedyante at magaling umarte, hindi ba sila nagkakaroon ng kompetisyon?

Sabi po nila minsan hindi raw po ‘yun naiiwasan pero kung ako tatanungin ninyo ayoko po niyon, collaborative po ako, eh.

“So sabi nila minsan nakakasapaw ako dahil ang lakas ng personality ko, eh what can I do kung ganoon talaga ako, ‘di ba?

“Pero ‘yung mga kaibigan ko po alam nila ito na, ‘Uy si Pepe talaga’, si Jerald, kung may role siyang gusto at gusto ko rin, kayang-kaya ko pong ipaubaya ‘yun sa kanya kasi mahal ko po siya.”

Sa direksyon ni Marius Talampas at panulat ni Sherwin Buenvenida, palabas ngayon sa mga sinehan ang Sampung Utos Kay Josh mula sa Viva Films at Studio Viva.

Nasa pelikula rin sina Irma Adlawan, Debbie Garcia, James Caraan, GB Labrador, at Albie Casiño.

Mayroon pang pangarap Si Pepe na makasama sa pelikula.

Marami po. Nora Aunor kasi magaling siya, eh. Dolphy, kaso wala na po siya eh. Vilma Santos kasi parang magkasing galing sila ni Nora and then, Maricel Soriano po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …