Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Todong suporta ni Nelson Ty kay Isko Moreno

SIPAT
ni Mat Vicencio

TAONGBAYAN ang maghahalal sa bawat kandidatong tumatakbo ngayong darating na eleksiyon na nakatakda sa Mayo 12. At kung lokal na halalan ang pag-uusapan, malaking bagay sa tagumpay ng bawat kandidato ang suporta ng mga barangay chairman at mga kagawad sa kani-kanilang distrito.

Tulad sa Lungsod ng Maynila, masasabing matindi ang labanan sa pagitan nina Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Isko “Yorme” Moreno, na ngayon ay parehong matindi ang ginagawang ‘panliligaw’ hindi lang sa mga botante kundi maging sa mga kagawad at kapitan ng bawat barangay.

At isa nga si dating Chairman Nelson Ty ng Binondo sa sumusuporta kay Isko. Malinaw ang dahilan ni Nelson kung bakit si Yorme ang kanyang dadalhin sa darating na halalan… May political will!

Paliwanag ni Nelson, “mahigpit si Yorme bilang isang mayor lalo na kung ang ipatutupad nito ay tama at naaayon sa batas. Kapakanan at interes ng Manilenyo ang inuuna ni Yorme.”  

Bilang isang lingkod bayan na nakabase sa Binondo, hindi makakalimutan ni Nelson ang ipinangako ni Yorme na mas pauunlarin pa ang negosyo sa Binondo at palalakasin ang turismo kabilang na ang mahigpit na pagpapatupad ng peace and order.

Sabi pa ni Nelson, “ang disiplinang ipinatupad ni Yorme sa Maynila ay hindi matatawaran lalo na sa pagsasaayos ng mga kalsada at bangketa, at paglilinis ng mga kapaligiran sa bawat komunidad.”

Si Nelson din ang saksi, bilang isang dating chairman kung paano tinugunan ni Yorme ang paglaban sa Covid-19 pandemic na higit na apektado ang mahihirap at kapos na Manilenyo.

At ang housing distribution at healthcare improvements na pangunahing programa ni Yorme ang pinakaaabangan ngayon ng mga Manilenyo sa nalalapit niyang pagbabalik bilang Ama ng Maynila sa Mayo, at kabilang si Nelson sa umaasang ito ay maisasakatuparan.

Nakatitiyak si Nelson na magtatagumpay si Yorme sa darating na eleksiyon, at tuluyang maisasakatuparan ang adhikaing ninanais ng lahat ng Manilenyo… Let’s make Manila great again! (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …