Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skye Gonzaga, crush sina Coco Martin at Lovi Poe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATINDING grasya sa maraming barako ang hot babe na tulad ni Skye Gonzaga.

Bukod sa kilalang VMX (dating Vivamax) sexy actress na palaban sa sexy scenes at nakakikiliting lampungan, si Skye ay hindi lang sa pagpapa-sexy maaasahan. Siya ay may talento rin sa pagiging DJ, kaya’t binigyan ng kontrata bilang official DJ artist sa ilalim ng Viva Artist Talent Management.

Malupet ang vital statistics na 34-24-36 ng talent na ito ni Lito de Guzman. Kaya swak na swak siyang sumabak sa mga sexy movies.

Kabilang sa mga pelikulang nagpa-init siya sa mga barako ang ‘Ang Pintor at Ang Paraluman,’ Baliskat,’ Baligtaran, at Kiskisan.

Gaano siya ka-sexy sa mga pelikulang ito at gaano ka-hot ang love scenes na ginawa niya?

Esplika ng sexy actress, “Super-sexy po, super-sexy po as in lahat naipakita ko po, pero naka-plaster naman ako. May kissing-scenes din ako rito sa kapwa ko babae at love scenes.”

 Nang usisain ang kanyang showbiz crush, medyo naintriga kami sa sagot niya. Hindi lang kasi lalaki ito, mayroon ding aktres.

“Sa lalaki is si Coco Martin, sa babae naman ay si Lovi Poe ang crush ko po.”

Bakit sila? 

Esplika ni Skye, “Kasi po, magaling si Coco sa mga movies niya, madadala talaga ang mga tao sa husay niya. Si Lovi Poe naman, super hot and sexy kasi niya sa mga movies na ginagawa niya.”

Iyong pagpapa-sexy niya sa Vivamax, nakatulong ba sa kanya para mas makilala bilang DJ? “Dito sa Manila sir, yes po,” matipid na tugon niya.

Saan siya mas nag-eenjoy, sa pagiging aktres o as a DJ?

“Actually, both po ako nag eenjoy dahil pareho ko silang mahal gawin,” nakangiting pakli pa ni Skye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …