Friday , February 28 2025
MTRCB
MTRCB

Pahayag Tungkol sa Pelikulang Pepsi Paloma

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TALIWAS sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG  kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kompleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.

Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.

Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito.

Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.

Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksiyonan alinsunod sa batas.

(Nilagdaan ni) ATTY. PAULINO E. CASES, JR.

MTRCB Vice Chairperson and Chairperson of the Hearing and Adjudication Committee

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo PGT

Kathryn may K maging hurado ng PGT

MA at PAni Rommel Placente MAY mga nagtaas ng kilay nang mapili si Kathryn Bernardo bilang isa …

Benz Sangalang Alessandra Cruz Tokyo Nights

Benz Sangalang tiniyak – Must watch ng mga ma-L ung movie naming Tokyo Nights

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang hunk actor na si Benz Sangalang na pinaka-daring …

Mark Herras Jojo Mendrez

Mark nagsalita na sa pag-uugnay sa kanila ni Jojo Mendrez

SA wakas sinagot na ni Mark Herras ang pag-uugnay sa kanila ng tinaguriang Revival King, si Jojo Mendrez. …

Judy Ann Santos Gordon Ramsay

Juday gusto pa muling mag-aral — ibang expertise naman sa pagluluto

RATED Rni Rommel Gonzales DALAWANG medalyang ginto ang naiuwi ng aktres na si Judy Ann Santos matapos …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon umaray sa mga fake news laban kay Kiko

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INALMAHAN ni Sharon Cuneta na ang mga naglalabasang fake news tungkol sa asawang …