Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Jennings Daniel Padilla

Daniel supalpal daw sa acting ni Anthony

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isa sa mga episode ng Showbiz Update nina Ogie Diaz,Mama Loi, at Dyosa  Pockoh, napag-usapan nila ang seryeng Incognito.

Parehas na kasama sa lead casts ng teleserye sina Anthony Jennings at Daniel Padilla.

Sabi ni Papa O, may mga netizen daw na umano’y ikinukompara ang husay ng dalawa pagdating sa acting.

Ewan ko ba bakit ‘yung ibang fans talagang ikino-compare pa si Daniel kay Anthony Jennings,” saad ni Ogie.

Kasunod nito ay ang pagbasa nila ng Facebook post ng isang entertainment page na Showbiz Broadcast.

Napansin ng netizens na supalpal si Daniel Padilla ‘pag kasama si Anthony Jennings dahil mas magaling itong umarte kaysa kanya.

“Saad pa ng isa, nagkaroon man ng cheating issue si Anthony ay hindi pa rin maitatago ang galing nito sa pag-arte kaya patuloy na kinagigilawan ng mga manonood.” 

Chika naman ni Ogie, “Ako mismo magsasabi, hindi totoo ‘yan. Walang sapawang naganap. Iba ‘yong kaguwapuhan ni Anthony Jennings sa kaguwapuhan naman ni Daniel Padilla.”

“Alam mo pinaka-paborito ko kay Daniel? Ilong napakaganda ng ilong. Parang nililok,” dugtong pa niya.

Kaya naman nakiusap na rin ang talent manager na huwag nang ikompara ang dalawa sa isa’t isa.

Ang importante talagang engaging ‘yong fans pagdating sa ‘Incognito.’ Talagang napakaraming nanonood,” sey pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …