Wednesday , April 16 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Mga epal-litiko, asahan nang maglutangan iyan!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ASAHAN na iyan! Ang alin? Asahan na uulan ng papuri ang ginawang kabayanihan ni Anthony Barredo Aguirre, isang  taxi driver mula Iloilo City.

Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman ang napaulat hinggil sa ginawang pagsauli ni Aguirre ng P2.4 million cash (nakalagay sa bag) na aksidenteng naiwanan ng kanyang pasahero sa kanyang  ipinapasadang taxi nitong Enero 19, 2025.

Kahanga-hanga nga ang ginawa ni Aguirre dahil bilang na lamang ang masasabing honest taxi driver sa panahon ngayon…ops wait, kung honest taxi driver rin lang naman  ang pag-uusapan, aba’y napakarami nito sa Baguio City. Marami nang nagpapatunay nito – isa na tayo sa mga nagpapatunay sa katangiang ito ng nakararaming taxi driver sa Baguio City.

Ang tanong, paano kaya kung sa Metro Manila nangyari ang pagkaiwan ng bag na may lamang P2.4 milyon, maibabalik pa kaya sa may-ari ang kuwarta? Siguro…o depende. Pero kahit na paano naman ay mayroong iilang taxi driver sa Metro Manila ang napaparangalan sa pagiging honest taxi driver.

Siyempre, kasabay ng inaasahan na papuri kay Aguirre, asahan na uulan din ng parangal na may kasamang cash reward ang matatanggap ni Mr. Iloilo Honest Taxi Driver.

Katunayan mayroon nang mga nagpaabot ng kanilang pagsaludo at nagbigay ng cash reward kay Aguirre…well, you deserved it Mr. Aguirre bagamat hindi iyong cash reward ang importante dito at sa halip ay ang ginawang kabutihan ng mamang tsuper.

Inaasahan pa…lalo na at malapit na ang Mayo 12, 2025, araw ng eleksyon, asahan na darami pa ang lulutang na magbibigay ng pabuya kay Aguirre. Tiyak na mga maglulutangan diyan ang mga ‘epal-litiko’ — politicians na ma-epal.

Piktyuran doon at piktyuran d’yan…selfie dito at selfie doon ang mangyayari habang iniaabot nila ang kanilang cash reward kay Aguirre. Masasabi lang na hinahangaan nila ang ginawa ni Aguirre kasabay ng pagsasabing…sana pamarisan si Aguirre ng iba pang taxi driver.

Tama, dapat ngang pamarisan ng kapwa driver ni Aguirre ang kanyang ginawa. Pero ang tanong, kailan naman kaya isasauli ng mga magnanakaw na politicians ang kanilang mga ninakaw sa kaban ng bayan?

Kailan naman kaya pamamarisan ng mga epal-litiko si Aguirre?

Ano pa man, sana hindi galing sa ‘nakaw’ ang cash reward na ibinigay o ibibigay kay Aguirre…lalo na kung epal-litiko ang nagbigay o magbibigay.

Ops…ops…hindi naman lahat politicians ay magnanakaw ha. May mga honest din…at ang kanilang mga nabigay o ibibigay na cash reward ay hindi galing sa kaban ng bayan kung hindi mula sa pinagpawisan nila. Sana nga!

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …