Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
House Fire

Lola patay nang bumalik sa nasusunog na bahay

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang 69-anyos lola nang bumalik sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Old Balara, Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Quezon City Fire District (QCFD) Marshal Fire Senior Supt. Flor-ian Guerrero, bandang 9:03 ng umaga, 27 Enero, nang magsimula ang sunog sa No. 808 Old Balara, Quezon City.

Unang iniulat na nawawala ang matanda ngunit nang maapula ang apoy bandang 10:49 ng umaga ay natagpuan ang sunog na bangkay nito sa loob ng natupok na bahay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpasya ang biktima na bumalik sa loob ng nasusunog na bahay bagamat pinipigilan ng kanyang mga kaanak.

Nagpumiglas ang matanda dahil may nais umano siyang balikan sa nasusunog nilang tahanan, hanggang hindi na siya nakalabas ulit.

Napinsala si Rolly Guiruela, 40, ng second degree burn sa kaliwang balikat.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …