Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice de Belen Children

Janice handa nang i-let go ang mga anak sakaling magsipag-asawa 

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI man in good terms ang dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada, walang kaso sa una kung maging close ang kani-kanilang mga anak.

Noong New Year, nakasama ni John ang lahat ng kanyang mga anak na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan, pati na rin si Anechka na panganay niya sa ikalawang misis na si Priscilla Meirelles.

Sabi ni Janice, “Tatay nila ‘yun, eh. Bakit naman hindi magiging okay sa kanila? Wala naman akong problema roon ever.”

Inusisa naman si Janice kung ready na ba siyang i-let go ang kanyang mga anak, lalo na’t ikakasal na ang pangalawa nilang anak ni John na si Moira.

“Ang tatanda na nila, ano? Oo naman. Basta alam kong nasa mabuti silang kalagayan.”

Araw mismo ng Bagong Taon nang mag-propose kay Moira ang boyfriend nitong si Alfonso Miguel.

Present pa nga sa special day ang kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa Instagram post, makikita ang naging journey ng relasyon nina Moira at Alfonso hanggang sa naganap na ang wedding engagement.

May pa-shoutout din si Moira para sa mga kapatid na sina Inah at Kaila na tumulong sa kanyang fiancé para maisakatuparan ang surprise proposal para sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …