MA at PA
ni Rommel Placente
MAY mga hindi pala happy sa sa pagbibigay ng TV host na si Willie Revillame ng P1-M kay Rufa Mae Quinto kamakailan. Ito ay bilang tulong sa komedyana na nagpiyansa ng P1.7-M matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 ng Securities Regulations Code.
Maging ang sexy actress nga ay hindi makapaniwala sa napakalaking tulong na ito ng TV host.
Pero kung may mga masaya, mayroon din ngang hindi. May mga umalma rin na mga taong malapit umano sa host ng Wil To Win.
Ayon sa vlog ni Cristy Fermin na dating malapit kay Willie, may nagtsika raw sa kanila na napakarami pang taong mas deserving na tulungan ni Kuya Wil kaysa komedyana, na kung iisipin ay may kakayahan naman daw na pyansahan o gastusan ang sarili sa kinakaharap nitong kaso.
May mga nagtaas daw ng kilay at napatanong na bakit daw si Rufa Mae, samantalang mas may mga kasamahan daw sa trabaho ang higit na mas nangangailangan. Parang wala naman daw silang natanggap na ganyan kalaki na tulong at kung mayroon man daw tulong ay pahirapan pa.
Bukas ang aming kolum sa reaksiyon at panig ni Kuya Wil.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com