Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nabuking sikreto ng cheater at kabit: Lalakas ng loob

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY makahulugang post si Ai Ai delas Alas sa kanyang social media.  

Sa  isang quote card na mababasa ang mga katagang, “NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT.”  At ang ginamit pang background music ay ang Thriller ni Michael Jackson. 

Simulang hirit ni Ai Ai sa kanyang post, “Hahaha ang balita nga naman kahit akoy nanahimik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA.”

Sinundan pa ito ng ilang mga petsa noong 2024 na tila nabuking  na niya ang sikreto ng tinawag niyang “Cheater.”

“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater (wow sweet).

“JUNE 2024 … malapit sa jollibee (malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress (wow sweet ulit),” ang bahagi pa ng post ng komedyana.

Obvious naman daw na ang  asawang si Gerald Sibayan ang tinutukoy ng komedya.

Sey pa ni Ai Ai sa mga taong tinutukoy niya, “Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT! (greatest of all time).”

Sa comment section naman  ng post niya ay nakakuha siya ng maraming kakampi sa netizens. 

May isang netizen na nagsabi na dapat ay kasuhan ito ng komedyana, bigyan ng leksiyon, at i-cancel ang green card. Alam naman daw ni Lord na mabait siya sa kanyang ex-husband kaya dapat ay makakuha ito ng justice. 

Pagsang-ayon naman ng isa pang netizen ay dapat ng bawiin na nito ang lahat ng ibinigay niya dahil ginawa lamang siyang tanga. 

Last year ay inamin  ni Ai-Ai na sa pamamagitan lamang ng text ay nakipaghiwalay sa kanya ang asawang si Gerald.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …