Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lee OBrian Pokwang Malia

Lee O’Brian may pa-birthday message kay Malia; Pokwang nanggigil sa mga komento 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng video message, ipinahatid ni Lee O’Brian ang birthday message sa anak nila ni Pokwang na si Malia.

Rito ay inilarawan ni Lee kung gaano niya kamahal ang anak na kahit magkahiwalay sila ay ito ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay seven years ago.

Samo’tsari naman ang reaksiyon ng netizens. Pero may mga basher na hindi natiis ni Pokwang na patulan.

Kabilang na riyan ang isang nag-comment na naintindihan daw nito ang side ni Pokwang pero pinupuri nito si Lee na kahit batiin lamang muli ang anak ay ginagawa. Pasalamat daw si Pokwang at hindi ito binlock ng dating karelasyon. 

Ang sagot sa kanya ng komedyana, “Sip sep uten spotted!!! Enabler ng mga inutil! Bwahahaahaa kawawa!”

May isa pang nagkompara kay Pokwang kay Ruffa Gutierrez: “Si Rufa ‘nung iniwan niya si Bekas walang sustento sa mga anak napalaking maayos ni Rufa mga anak pero hindi siniraan ni Rufa sa mga anak ang ama nila. Ngayon nasa tamang edad mga anak sila na naghanap sa ama nila. Nasa pagpapalaki ng magulang kung ang isang anak magtatanim ng galit sa ama.”

Ang sagot sa kanya ng aktres, “Excuse me inday hindi ko siya siniraan sa anak niya! Siya ang sumira sa sarili niya and si Ruffa at ako tayong lahat magkakaiba ‘wag kang feeling alam lahat kaloka ka!”

May kumampi naman kay Pokwang at naniniwalang, “for content purposes only” ang ibinandera ni Lee.

Saad ng netizen, “Nag-throwback siya kung gano siya kasaya ng pinanganak si Malia?? Samantalang nagalit nga siya kay mamang ng nabuntis siya kay Malia. Sorry ha pero parang content lang bati nyan, just saying. Anyway happy birthday baby Malia, enjoy your day with your mom [red heart emoji].”

Ani Pokwang, “Sa awiting….. meow meow meow meow….[laughing emojis].”

Taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee. Abril noong nakaraang taon ay nanalo sa deportation case na isinampa ng komedyana sa Bureau of Immigration.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …