Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Jam Ignacio DJ Jellie Aw

Karla may binanatan sa FB post

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG may pinariringgan si Karla Estrada sa kanyang Facebook account. Nakasaad sa kanyang FB post, “Fame whore, Low life people. I don’t have Time for this, But my lawyers has.”

Wala namang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang pinapatungkulan. Deleted na ang nasabing post pero kumalat na ang screenshots nito sa social media.

Ang tanong ngayon ng netizens, ito nga kaya ang sagot ni Karla sa Instagram Story ng fiancée ng dati niyang boyfriend na si Jam Ignacio?

Bago kasi ito, diretsahang binanggit ng bagong karelasyon ni Jam na si Jellie Aw ang pangalan ni Karla sa kanyang post na nagpapahiwatig na may ginawa umano ang aktres sa kanya na nakaapekto sa trabaho.

Mababasa sa IG story ni Jellie, “Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko [emoji] nanahimik ako mommy (emoji).” Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Jellie hinggil sa kanyang hugot post.

November 11, 2024 ay ibinida ni Jam sa social media ang mga litrato nila ni Jellie na kuha sa kanyang birthday celebration.

Dito, isinabay na rin niya ang wedding proposal kay Jellie.

August, 2024 naman nang unang isinapubliko ni Jam na may bago na siyang partner pagkatapos ng hiwalayan nila ni Karla noong 2023.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres at TV host tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Jam.

Abang-abang na lang tayo kung may pagsasampa ba ng kasong cyber libel na magaganap? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …