Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janno Gibbs Wow Mani

Janno mapangahas at walang takot ang bagong gag show 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NOONG January 7, 2025 nag-premiere ang pinakabago at maituturing na kwelang sexy gag show sa balat ng VMX.

Ang Wow Mani! na take-off sa titulo ng Wow Mali! at ang host ay si Janno Gibbs.

Kada Martes ito napapanood at pananawaan ka talaga sa sangkaterbang kasama ni Janno sa palabas na nagseseksihang dilag.

Kabilang dito sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa,Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole kasama sina Nicco Locco, at Aerol Carmelo, mula sa direksiyon ni Dominador Isip III.

Maghanda nang tumawa ng todo dahil narito na ang Wow Mani! mula sa VMX— ang ultimate sexy gag show na puno ng maiinit na skits, mapangahas na humor, at tawanan na tiyak na magpapainit sa inyo.

May 12 episodes nang nakalatag sa unang season nito, kaya’t siguradong hindi ka mauubusan ng rason para tumawa. Mapapanood ang mga bagong episode every other Tuesday. 

Ang laugh fest mula rito ay garantisadong magbibigay ng sexy dose of fun sa iyong linggo.

Pinangungunahan ito ni Janno, ang multi-talented singer-comedian na kilala sa kanyang signature wit at humor. May dalawang nakatutuwang karakter na gagampanan si Janno, si Injanno Jones, isang adventurous na explorer at si Janno Depp, isang quiz master.

Narito ang mga pasabog na segments ng Wow Mani!

Battle of the Braless: Isang nakatatawang laban kasama ang mga kaakit-akit ngunit clueless na university students na nagpapatunay na pwedeng mabiyayaan ng parehong talino at ganda… minsan.

Injanno Jones: Mapapanood dito ang adventure at kalokohan ng isang self-proclaimed genius at explorer. 

Tricky Girl: Isang sexy host ang maghahatid ng tricky na mga tanong sa kalsada, na tiyak magdadala ng maraming tawa at awkward moments.

Tirsong Tuso Sketch: Sundan ang mga gagawing delikado pero nakakatawang desisyon ng isang sugarol na palaging may twist sa bawat taya.

Steam Bath Gag: Dala ng half-naked beauties ang isang riot na tawanan mula sa kanilang maiinit na banter. 

Nag-premiere na ang Wow Mani! noong January 7 at mapapanood ito eksklusibo sa VMX. Huwag palampasin ang mapangahas at walang takot na gag show na ito na magbibigay ng bagong kahulugan sa sexy comedy. Tumutok na every other Tuesday para sa bagong episode—dahil sa ‘Wow Mani,’ mainit na katatawanan ang tiyak na makukuha mo!

Pinasikatan na kami ng tropa ni Janno sa mediacon nito sa Viva Cafe. Sa teaser na ipinamalas ang segment na Battle of the Braless na spin-off naman sa Battle of the Brainless na inihain na sa mga sing-along bars at shows ni Andrew de Real at iba pang shows.

Hindi naman mauumay ang mga kalalakihang makakapanood ng palabas na nagtatanggal ng saplot nila ang mga kababaihan kapag hindi masagot ang tanong sa quiz.

Hubaran to the max na ito. 

Sabi nga nila wala naman na itong ipinagkaiba sa napapanood na sa iba pang platforms.

Kaya buyangyang to the max ng mga boobies nila ang mga Vivamax stars.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …