Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Basagulero inihoyo, boga kompiskado

DERETSO kalaboso ang isang lalaki matapos arestohin ng pulisya bunsod ng marahas na pananakot sa mga residente sa Brgy. San Pedro, lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong madaling araw ng Martes, 21 Enero.

Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ang 57-anyos suspek dakong 12:10 ng madaling araw kahapon kasunod ng ulat ng panggugulo at pagwawala habang may nakasukbit na baril sa nabanggit na barangay.

Nabatid na talamak na basagulero ang suspek sa naturang lugar.

Nakompiska mula sa suspek ang isang walang lisensiyang Smith & Wesson caliber .38 revolver, na walang serial number, at kargado ng tatlong bala.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code (Gun Ban), Alarms and Scandal, at Grave Threats. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …