Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Skye Chua

Skye Chua ibabandera Pilipinas sa 2025 FISU Winter World University Games

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUONG pagmamalaking iwinagayway ni Sparkle artist Skye Chua ang Philippine flag sa opening ng 2025 FISU Winter World University Games sa Italy. 

Siya ang sole representative ng University of the Philippines (UP) at ng Pilipinas para sa nasabing competition. 

Bago ang 2025 FISU Winter World University Games, nakamit ni Skye ang third place sa SEA Open Figure Skating Trophy noong nakaraang taon.

Ipinagmamalaki ni Skye ang pagkakataong magsilbing inspirasyon sa mga kabataang Filipino at magrepresenta ng bansa sa global stage.

Ang 2025 FISU World University Games ay ang ika-32 edition ng kompetisyong ito, na inorganisa ng International University Sports Federation at ginaganap tuwing dalawang taon.

Dati itong tinatawag na Universiade, at isa ito sa mga pinaka-pinanonood at inaabangan na multi-sport competition para sa mga student-athletes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …