Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward Michael Sager

Jillian ok magkaroon ng asawa sa serye, bawal lang ang kissing scene

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA My Ilonggo Girl ay leading man ni Jillian Ward si Michael Sager.

Ito ang unang beses na may ka-loveteam na si Jillian.

Ako po kasi, tingin ko, sa 15 years ko na rin sa industriya, I think it’s time na rin talaga na magkaroon ako ng leading man talaga.

“Ma-explore ko po ‘yung, kumbaga, pagiging leading lady.

“Nagulat nga po ako may asawa po ako sa show na ito, so ibang-iba po siya for me.

“Excited po ako na mag-grow pa. Ito po ‘yung nae-enjoy ko talaga ‘yung ganitong klaseng experience.”

At dahil may ka-loveteam na siya, normal na ang pagkakaroon ng mga  kissing scene sa mga eksena.

Handa na ba si Jillian dito?

Ayan po ang medyo hindi ako komportable, ‘yang mga kissing scene.

“Basta sa ngayon po, mas ine-explore ko pa is magkaroon ng lalim pa ‘yung mga character na ginagampanan ko.”

Pero hindi naman daw nangangahulugan na isinasara ni Jillian ang posibilidad na magkaroon siya ng kissing scene sa future projects niya.

At suportado raw siya ng pamilya niya.

By choice ni Jillian ang na sa ngayon ay hindi muna pumayag magkaroon ng kissing scenes sa kanyang projects.

Actually, ‘yung parents ko naman po, super considerate sila sa nararamdaman ko.

“Kunwari may mga ganoon pong eksena, kissing scene, hindi po sa ipinaaalam ko sa kanila, kundi more on mine-make sure nila na, ‘Ikaw, kaya mo ba, gusto mo ba?’

“’Yung parents ko po kasi, hindi sila mapilit. Kumbaga, kung gusto ko, eh, ‘di gawin ko. Kung ayaw ko, huwag kong gawin.

“Sa ngayon, yes, by choice po na ayaw ko pa sa kissing scenes.

“More on ang ginagawa ko rin po sa career ko is by choice.

“Kumbaga, walang pumipilit sa akin, like my parents and my management, very respectful naman po sila.

“Pinoprotektahan nila ako. They make sure na happy ako sa ginagawa ko.

“Very open din po ako sa kanila na sabihin kung hindi ako komportable,” sinabi pa ni Jillian.

Ang My Ilonggo Girl ay napapanood weeknights 9:35 p.m., sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …