Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Kathryn Bernardo Kathniel

Daniel ‘di sinusukuan si Kathryn, ilang araw pabalik-balik sa bahay ng dating GF

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY pinagmanahan. Ito na lamang ang nasabi ng fans ni Daniel Padilla matapos mapanood ang two episodes ng seryeng Incognito sa Netflix

Bagay daw ang pagiging action star ng aktor  tulad ng kanyang tiyuhin na si Robin Padilla. Madami rin ang humanga sa ganda ng nasabing serye, kaya naman hindi nakapagtataka na top 1 ito sa Netflix ngayon.

Unang sabak din ito ni Daniel sa isang serye na wala siyang ka-love team matapos ang break-up nila ni Kathryn Bernardo

And speaking of Kathryn, maraming mga KathDen o Kathryn-Alden Richards ang nalungkot sa ibinalita ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.  May nag-chika raw kasi sa kanya na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa subdivision na nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn.

Hindi pa raw sinusukuan ni Daniel si Kathryn at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panunuyo nito. 

Sa Christmas Special ng ABS-CBN  last year ay may mga balitang lumabas na pinuntahan ni Daniel si Kathryn sa dressing room nito para makapag-usap at may dala-dala pa umano itong bulaklak. 

Marami naman ang hindi naniwala dahil wala namang resibo ang naipakita, meaning, walang picture na lumabas na pumunta nga si Daniel sa dressing room ng dating minamahal.

Kung nagbubunyi ang mga KathNiel fans ay nag-aalala naman ang mga KathDen dahil ayaw na nilang bumalik si Kathryn kay Daniel. 

Ayon naman sa ating source, mukhang malabo pa raw sa ngayon ang balikan ng dalawa, dahil naka-move on na raw si Kathryn. 

Kumakapit naman ang kanyang fans sa sinabi nito noong nandoon siya sa clinic ni doktora Ivy na may clarity na ang kanyang love life at ang iniisip ng mga faney ay masaya na ito sa bago niyang love life at umaasa sila na si Alden iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …