Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Sessionistas A Pre-Valentine Concert

Sessionistas ipararamdam iba-ibang genre ng Love

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PEBRERO. Panahon na naman para abangan ang mga konsiyertong ihahatid ng ating celebrities, lalo na ang nasa music industry.

Hindi naman sila nagkakasabay-sabay. At nagbibigayan sa petsa ng mga pagtatanghal.

Dahil may Fire and Ice Productions na ngayon si Ice Seguerra katuwang ang misis na si Liza Diño, nakakapag-mount na sila ng mga concert. Na masasabing iba pa rin ang dating sa mga nakakasabay nila.

Sa ASAP, may sinubaybayan na segment na Sessionistas. Na kasama si Ice.

Na siyang naging daan para maisip ang pagkakaroon ng Love, Sessionistas na gaganapin sa Pebrero 8, 2025 sa Theatre at Solaire, 8:00 p.m.

Ang naging pamilya na magkakaibigan sa pagpuwesto nila bilang sessionistas sa naturang palabas ang makikita sa kanilang palabas na makakasama ni Ice sina Juris, Kean Cipriano, Princess Velasco,  Duncan Ramos, Sitti, at Nyoy Volante with Ivan Lee Espinosa as musical director.

Iba-iba man ang genre ng bawat isa, ipararamdam nila sa mga manonood ang hatid ng mga kantang pumukaw na sa puso ng balana.

Ilang oras pa lang nang ianunsyo ang sold out concert sa naturang araw, agad nang dumating ang balitang magkakaroon na ito ng repeat sa Abril 4, 2025. Kaya secure na your tickets.at humabol sa mga manonood nito through Ticketworld. 

Matapos nga ang Sessionistas sa ASAP, nagkikita at nagkakasama-sama pa rin sila. 

Kumakain, nagtsitsikahan. At kung may mga show, mayroon pa ring nagkakasama-sama.

Kaya gamay na gamay na nila ang isa’t isa when it comes to their musicality.

“More than the singing, it’s that friendship we’ve forged through the years that we are celebrating,” ayon kay Ice. 

Nostalgic hits. Timeless OPM songs na magpapa-throwback sa manonood. At ang kanilang mga unreleased original na sa naturang palabas pa lang maririnig. Sorpresang collaboration sa mga babaliing genre na performances.  

At ang laging inaantabayanan sa Sessionistas, ang pagbasa mula sa isang letter-sender ng hugot nito na bibigyan ng akmang awitin.

Lima ang pipiliin nilang istorya mula sa letter senders. 

Sessionistas Now. Sessionistas at Home. Sa harap at likod ng kamera at ang mga naging kaganapan na sa mga buhay nila.  Mga segment na matutunghayan din sa dalawang gabi ng music, love and gratitude.

Don’t miss this and once again feel the love of the Sessionistas! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …