Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla Bb Gandanghari

BB Gandanghari ramdam pagpapahalaga sa kanya ni Robin bilang babae

MA at PA
ni Rommel Placente

RAMDAM  na ramdam ni BB Gandanghari ang pagmamahal sa kanya ng nakababatang kapatid na si Senator Robin Padilla.

Kung noon ay hindi pa totally maunawaan ng kapatid  ang nangyaring transition kay Rustom na naging si BB Gandanghari paglaon naman ay natanggap na rin ng senador.

Sa interview ni Boy Abunda sa dating aktor kung dati raw ay brothers ang turingan nila, feel na feel ni BB ang pagiging sister lalo na sa mga pagkakataong kapag magkasama silang lumalabas ay parang tunay na girlalu na ang trato sa kanya ni Sen. Robin. 

Tulad na lamang  ng pagpapauna sa kanya sa pila kasabay ng pagsasabi ng, “Ladies first.”

Naalala rin niya ang pagpapasuot sa kanya ni Robin ng hijab nang magpunta sila sa isang mosque sa Taiwan.

Nire-recognize niya lahat ng iyon. “He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid,” sey pa ni BB.

Pag -alala pa niya, talagang hindi tanggap ni Robin ang nangyaring transition sa kanya mula sa pagiging lalaki tungo sa pagiging transgender woman. Talagang ayaw siyang makita noon ng kapatid.

Pero kalaunan ay nagbago rin ang pagtingin ni Robin sa kanyang bagong pagkatao dahil din sa kanilang inang si Eva Cariño na may matinding karamdaman ngayon. 

Sa Amerika na nakabase si BB pero nasa bansa ito para makasama ang kanilang ina. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …