Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Fyang Fyangie Smith

PBB Gen 11 Fyang Smith sa mga lalaking manloloko – Cheating is a choice, not a mistake

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ng itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Gen 11 na si Fyang Smith na mukhang wala siyang suwerte pagdating sa pakikipagrelasyon. Ilang beses na siyang niloko ng mga nakarelasyon niya.

“Hindi ko po alam. Talagang lahat sila, talagang nag-cheat sa akin. I don’t know why. Siguro may hinahanap sila sa akin, na hindi talaga. Bakit niyo ba ako sinimulan?” sabi ni Fyang sa isang interview sa kanya.

“Ayon ‘yung hindi ko ma-gets sa ibang lalaki na bakit pa kayo pumapasok sa buhay ng isang babae kung hindi niyo kayang panindigan? Anong sense?” aniya pa.

Nagtataka pang tanong ni Fyang, “Pumasok lang ba kayo sa buhay ng isang babae para sirain ‘yung buhay niya? I don’t get why bakit kailangan pumasok sa buhay ng isang payapang buhay para mag-cheat?

“Cheating is a choice, not a mistake,” ang hirit pa ng magandang dalaga.

Pero hindi naman siya na-trauma sa love kahit na ilang beses nang nakaramas ng heartbreak. Umaasa pa rin siya na darating at darating din ang tamang lalaki para sa kanya.

Hindi naman po ako nagmamadali. Career first po muna. Now po, ang fino-focus ko po talaga, pag-acting.” 

Sabi pa ni Fyang, lahat ng na-experience niya sa buhay ay ginamit niyang motivation para makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpu-push sa kanyang career bilang content creator.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …