Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at maayos na pasilidad ng mga paaralan sa buong lalawigan ng Bulacan. Ito po ay bahagi pa rin ng ating pangunahing layunin na palakasin ang sektor ng edukasyon dito sa ating lalawigan, na isa sa mga susi sa pagkakaroon natin ng maunlad, mapayapa, at masaganang lipunan.”

Ito ang ibinahaging mensahe ni Gov. Daniel Fernando sa naging makasaysayang pagpapasinaya ng bagong gymnasium ng Marcelo H. Del Pilar National High School, sa Brgy. Bagumbayan, lungsod ng Malolos.

Ang modernong pasilidad ay opisyal na ipinagkaloob at pinasinayaan kamakailan na nagsilbing isang mahalagang yugto para sa paaralan.

Ipinangako ni Fernando na gagampanan ng mga pinuno ng lalawigan ang lahat ng kanilang makakaya upang masiguro na ang mga eskwelahan ay magkakaroon ng may kalidad, ligtas at napapangalagaang pasilidad.

“Ang pagpapasinaya na ito ay tanda rin ng ating pagpapahalaga sa katatagan at kasipagan ng ating mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na kanilang sinuong at nilampasan sa mga nakalipas na taon,” ani Fernando.

Naisakatuparan ang multipurpose gym sa pamamagitan nina Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Alejandro Tengco at Bulacan 1st District Cong. Danny Domingo, na naglalaan ng malawak na espasyo para makalahok ang mga mag-aaral sa mga aktibidad tulad ng edukasyong pampisikal, mga palarong pampalakasan, mga pagtitipon, at iba pang mga seremonya.

Samantala, dumalo sa programa si Senador Mark Villar, isang masugid na tagasuporta ng impraestrukturang pang-edukasyon, at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga pasilidad tulad ng gymnasium sa paglinang sa paglago at tagumpay ng mga mag-aaral.

“Nakita ko kung gaano po kahalaga ang ganitong klaseng pasilidad para sa ating mga mag-aaral at eskuwelahan. Nagbibigay ito ng sapat na espasyo para sa kanilang mga pisikal na aktibidad, sa mga sports events, mga pagtitipon na mahalaga sa kanilang kabuuang pag-unlad at tagumpay habang nag-aaral,” ani Villar.

Dinaluhan ang inagurasyon nina Department of Education Schools Division Superintendent Leilani Samson-Cunanan, iba pang mga opisyal ng DepEd, MDPNHS Principal Dr. Maria Victoria Vivo, mga pinuno ng mga tanggapan, mga guro at kawani, at mga grade 12 estudyante.

Ang masayang pagdiriwang ay sumasalamin sa mas maliwanag na kinabukasan ng edukasyon sa lalawigan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …