Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Charlene Gonzales Andres Atasha

Aga madalas ipaalala sa mga anak — Always be the kindest person 

MA at PA
ni Rommel Placente

NGAYONG pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak ni Aga Mulach, ang kambal na sina Andres at Atasha, talagang pinapayuhan niya ang mga ito para magtagal sa piniling career, gaya niya.

“Ang advice ko sa kanila is trabaho. ‘‘Yan, ha kung ano ‘yung nakikita n’yo sa akin na ngayon ito ‘yung end result of hard work, so you have to go through that hard work,’” sabi ni Aga sa panayam ni MJ Felipe para sa TFC show na BRGY.

Pagpapatuloy niya, “When you see all of these parang glamorized life, the good life, lahat ‘yan that’s all because of hard work, tears, lahat ‘yan, so dadaanan niyo ‘yan.”

Ang isa raw sa palagi niyang ipinaaalala kina Atasha at Andres, “Just always be the kindest person you can be, ‘yun lang ang reminder ko sa kanila.

“Sabi ko huwag kayong mayabang, maging totoong tao kayo, maging tapat kayo at magtrabaho kayo, hanapbuhay ‘yan, eh.”

In fairness, mula nang magkapangalan sa showbiz ang kambal ay hindi pa sila nai-isyu na nagka-attitude o yumabang na.

Sinusunod talaga nila ang payo sa kanila ng daddy Aga nila at tiyak maganda ang pagpapalaki sa kanila ni Aga at ng misis nitong si Charlene Gonzales.

Bukod sa magagalang at mababait, marespeto rin ang celebrity twins. 

“They grew up that way. Growing up ganyan na ‘yung paghuhulma ko sa kanila na wala kayong karapatan na maging mayabang sa mundong ito.

“Kailangan maging maayos kayo sa tao, maging mabait kayo parati. Ganoon lang, so hanggang sa pag-aartista nila, naiintindihan na nila ‘yun.

“My family is talagang we were quiet, tahimik lang ang buhay namin. We always kept it private as much as we can.

“The kids grew up that way also, kahit nasa limelight sila or kami, we’ve always kept it private,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …