AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M Buslig, Jr., bilang Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD). Nang maitalaga si Col. Buslig sa pinakamataas na posisyon ng QC police force noong Oktubre 1, 2024, isa sa ipinangako niya sa harap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ay ang kasegurohan para sa seguridad ng milyong QCitizen.
Ani Col. Buslig, upang makamit ang lahat para sa mamamayan ng lungsod, paiigtingin niya o ng QCPD ang kampanya laban sa iba’t ibang klase ng kriminalidad lalo ang pagsugpo ng ilegal na droga.
Katunayan, masasabing hindi na bago kay Col. Buslig ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng Philippine National Police (PNP) at kaugnay sa gera laban sa kriminalidad at ilegal na droga dahil bilang dating Deputy District Director for Administration (DDDA) ng QCPD, naging katuwang na siya sa pagpapatupad at pag-supervise sa mga programa…at ang resulta ay patuloy na bumababa ang krimen sa lungsod.
Sa pag-upo nga niya sa QCPD, kanyang ipinagpatuloy ang mga sinimulang kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod… at sa tulong ng mga commander ng 16 police stations, mga unit commander, sampu ng kanilang mga tauhan, patuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod…partikular na madalas na nadadakip ay mga tulak ng ilegal na droga. Naging prayoridad ang gera laban sa droga dahil ito ang madalas na pangunahing kadahilanan ng krimen.
Sa patuloy na pagseserbisyo ni Col. Buslig sa QCitizens…at sa ika-100 araw niya sa posisyon nitong Sabado, Enero 11, 2025, lalo pang nagtuloy-tuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod — ibig sabihin ay protektadong-protektado ang QCitizens. Bumaba ng 21.97 porsiyento ang crime rate nitong 2024.
Ayon kay Col. Buslig, nakapagtala ang QCPD ng 2,367 crime incident noong 2023 habang 1,847 nitong 2024, kung saan bumaba ito sa 21.97 porsiyento.
Ang pagsusuri ay nagpapakita ng malaking pagbaba sa ilang kategorya ng krimen: ang mga pisikal na pinsala ay bumaba mula 197 hanggang 154 na kaso
(-21.83%); bumaba ang mga insidente ng panggagahasa mula 363 hanggang 274 kaso (-24.52%); bumaba ang robbery mula 415 hanggang 254 kaso (-38.80%), at ang pagnanakaw ay bumaba mula 1,088 hanggang 844 na kaso (-22.43%).
Bukod pa rito, ang mga pagnanakaw ng motorsiklo ay nagpakita ng bahagyang pagbaba mula 154 hanggang 151 kaso (-1.95%).
Sa datos ng QCPD, bumaba ang kaso ng physical injuries mula 197 sa 154 cases (-21.83%); rape mula 363 sa 274 (-24.52%); robbery mula 415 sa 254 (-38.80%), at theft mula 1,088 sa 844 (-22.43%).
Dahil dito, nakamit ng QCPD ang Crime Clearance Efficiency (CCE) rate na 99.62%.
Naniniwala si Col. Buslig na malaking bahagi sa pagbaba ng krimen ang patuloy at walang sawang suporta ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga proyekto at kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad.
Nangako pa rin si Col. Buslig na magpapatuloy ang QCPD sa pagbibigay seguridad sa milyong QCitizens…lalo ang pagbaba ng krimen sa lungsod.