Monday , January 13 2025
Robin Padilla Cannabis Marijuana
SENATOR Robinhood Padilla, championing the legalization of global cannabis in the Philippines (fourth from left) with international medical cannabis expert Dr. Shiksha Gallow (third from left) lead the press conference on the latest clinical updates on the use of medical cannabis. With them in photo from left to right: Dr. Angel Gomez, (Past President, Philippine Society of Anesthesiologists, Board Member, Masikhay Research Board Member, PSCM); Mr. Wayne Gallow (Holistic Integrative Healing Institute Business Development); Dr. Gem Mutia (Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine); and Dr. Peter Quilala (Board Member Philippine Society of Cannabinoid Medicine.

Sen Robin iginiit Pilipinas huling-huli sa pagsusulong legalisasyon ng medical marijuana

RATED R
ni Rommel Gonzales

TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa cannabis para sa pagsusulong ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.

Ito ay ayon sa nasasaad sa Sen. Bill No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines na inakda ni Sen. Padilla.

Lahad ni Senator Robin, “The difference between the batch that makes you high and the batch that is medical, it’s really far.

“Kasi po ‘yung recreational kung saan-saan lang po talaga iyon tumutubo, kahit ibato mo lang ‘yung buto niyan, tutubo.

“Iyon po ‘yung recreational.

”Pero makikita po natin ‘yung difference ng medical cannabis talagang pharmaceutical grade talagang malinis.

“Talagang, kumbaga inaalagaan po nila ‘yung health talaga ng tao.

“So ganoon ko po siya ibinebenta. Talagang idinidirekta ko na po ang mga taumbayan na alam niyo po nahuhuli na po tayo.

“Huling-huli na po tayo. Kulelat na nga po tayo.

“Hindi ko maintindihan bakit ang Filipino bakit gusto natin laging kulelat tayo?

“Nauuna tayo biglang …  ito ang sakit nating Pinoy eh, kasi masyado tayong, magaling talaga tayo.

“Nauuna tayo sa lahat ng bagay, pati sa Republika, una tayo sa Asia. Pero hindi tayo natututo sa pagkakamali natin.

“Iyong mga ibang bayan na nanonood sa atin, ‘yung mga kapitbahay natin, ‘O nauna na ‘yung Filipino, pag-aralan nga natin.’

“Sila natututo sa ating pagkakamali pero tayo, hindi tayo natuto,” bulalas pa ni Senator Robin.

So ganoon din sa marijuana, ganoon din sa cannabis, andami nating dapat ginawa.

“Alam niyo po ba ‘yung hemp? Na iyan pong hemp na sinasabi nila, na ang Australia, ang Japan, nagtatanim na sila ng hemp.

“Tayo bawal pa rin!

“Alam niyo po ‘yung hemp iyan po ‘yung pinagkukunan ng CBD (cannabidiol) oil, na iyan po sa Japan, ‘pag nagpunta po kayo anlalaki ng five fingers, ‘pag nagpunta kayo sa Japan, kung saan- saan nga sa paligid sa Japan kasi makakabili na sila ng CBD oil na hindi ka hinuhuli.

“Eh dito po sa Pilipinas, kulong ka! CBD oil lang.

“Iyon po ‘yung mga ganoong bagay na paatras tayo, mga kababayan ko.

“Simple lang naman po ang gagawin kong pagbenta sa inyo ng medical cannabis.

“Iyong atin pong gobyerno laging umaangal kapag gustong bumili ng armas kulang ang budget namin kailangan naming bilhin ito, bilhin ito, lahat, lahat.

“Basta ‘pag galing sa ibang bansa welcome sa atin, gamot, lahat.

“Pero bakit pagdating dito sa medical cannabis masyado tayong kontra?

“Ano ba ang mayroon sa medical cannabis at hindi natin matanggap na ito ay gamot.

“Eh ‘yung lola ko naaalala ko ‘pag masakit ang tiyan ng lola ko pupunta sa bundok sa amin sa Cuyapo pupunta sa bundok kukuha ng “damoski.

“‘Di ba parang… matagal na itong gamot.

”So iyon po, ganoon ko po siya ibebenta, na matagal na po itong gamot, hindi ito bago.

“Walang testing sinaksak sa atin, ‘di ba mayroong isinaksak sa atin pumayag tayong lahat?

“Ito punompuno na ng testing po, lahat po ng bansa, na progresibo po ha, na tinatawag po nating talagang developed countries, mayroon na po silang medical cannabis.”

Naganap ang mga pahayag ni Sen Robin sa forum at mediacon na Science supports it, patients need it: Medicinal Cannabis Now. 

Kolektibong isinusulong nina Sen. Padilla at ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow ang pagsusulong sa medical cannabis na anila’y makatutulong sa pain management ng mga cancer patient, bukod pa sa ibang benepisyo.

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae nagsuka, sumakit ang ulo matapos sumuko sa NBI

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBINALIK si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation …

Geneva Cruz Rachel Alejandro Jeffrey Hidalgo Marissa Sanchez Nasaan Si Hesus

Geneva Cruz tinupad ng Nasaan Si Hesus? pangarap maging madre

MATAGAL na palang pangarap ng aktres na si Geneva Cruz ang mag-madre. At ngayon lamang …

Sofronio Vasquez BBM Bongbong Marcos

The  Voice US Champ Sofronio Vasquez III pinahanga si PBBM

MATABILni John Fontanilla NAPABALIB ng The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez …

Nasaan Si Hesus

Produ ng Nasaan Si Hesus? positibong papatok ang musical movie

I-FLEXni Jun Nardo MALAKAS ang paniniwala ni Nanay Lourdes “Bing” Pimentel na, “God will provide…” …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto P35-M lawsuit isinampa vs Darryl Yap

I-FLEXni Jun Nardo UMABOT sa P35-M lawsuit ang isinampa ni Vic Sotto laban sa director …